3 bansa, kinukunsidera bilang employment markets para sa OFWs- POLO
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
TATLONG bansa ang kinukunsidera bilang employment markets para sa Overseas Filipino Workers (OFWs), ayon sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon.
Sinabi ni Labor Attache Alejandro Padaen na tinitingnan nila ang bansang Turkey, isa rin sa ilalim ng hurisdiksyon ng POLO kasama na rin ang mga bansang Georgia, Azerbaijan, at north Cyprus, bilang iba pang employment destination para sa Filipino workers.
“Turkey is a good prospect as an employment market for our workers once everything has normalized,” anito sa virtual forum.
Ang kasalukuyang bilang ng mga Filipino workers ay 4,000.
“Slowly, the number is increasing since we have a regular deployment there,” dagdag na pahayag ng POLO-Lebanon.
Kabilang sa mga OFWs na nasa host country ay skilled workers, household services workers (HSWs), at iyong mga nasa service sector.
Sinabi ni Padaen na ang minimum salary ng HSWs ay US$800 kada buwan.
Ang halaga ay doble sa sahod ng mga manggagawa sa ibang bansa.
“Recently, we approved a job order for workers in a big tuna factory which is managed by a Filipino,” anito.
Sa kasalukuyan, 11 foreign recruitment agencies (FRAs) ang accredited para sa deployment ng HSWs.
“Another good prospects are Georgia and Azerbaijan because they have oil and gas sector there. Although we already have workers there, skilled and of course HSWs,” dagdag na pahayag nito.
Sa Northern Cyprus, ang mga OFWs na nagta-trabaho roon ay HSWs, cleaners, staff sa mga hotels at nagta-trabaho sa bazaars.
Samantala, pinayuhan ni Padaen ang mga Filipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na makipag-transaksyon lamang sa mga recruitment agencies na accredited ng gobyerno, o ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). (Daris Jose)
-
Obiena handang harapin ang PATAFA sa korte
MANILA, Philippines — Imbes na maduwag ay buong tapang na haharapin ni national pole vaulter Ernest John Obiena ang mga ibinatong isyu sa kanya ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA). Sa isang Facebook post ay sinabi ni Obiena na hahayaan niya ang kanyang legal team na ipagtanggol siya sa mga akusasyon […]
-
Ex-gf ni JOEM na si CRISHA, nagalit at parang sinampal sa mukha kahit alam na karelasyon si MERYLL
“KINAKABAHAN ako,” ang unang bungad ni Crisha Uy, ang vlogger na ex-fiancee ni Joem Bascon. Sa totoo lang, nagugustuhan namin kung paano niya ina-address ng makatotohanan at with class pa rin ang mga sunod-sunod na nangyari sa kanya. Umiyak man siya noon na nag-vlog at ibinalitang hindi na matutuloy ang kasal nila, pero […]
-
Mojdeh nilangoy ang gold medal sa Finis Swim Series
INILATAG ni national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh ang matikas niyang porma para masungkit ang gintong medalya sa girls’ 100-meter breaststroke sa 2022 Finis Short Course Swim Series-Luzon Leg kahapon sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac. Nagrehistro ang 15-anyos na si Mojdeh ng isang minuto at 15.07 segundo para […]