3 BEST tankers itinanghal na MOS sa Tokyo
- Published on October 31, 2024
- by @peoplesbalita
Tatlong miyembro ng Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ang itinanghal na Most Outstanding Swimmers (MOS) sa kani-kaniyang dibisyon sa 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginanap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.
Nangunguna sa listahan si Kristian Yugo Cabana na nakalikom ng kabuuang 49 puntos para masungkit ang MOS award sa boys’ 14-year division.
Nagbulsa ang Lucena City pride na si Cabana ng apat na ginto (400m IM, 100m freestyle, 100m butterfly at 200m IM), isang pilak (200m butterfly) at isang tanso (100m backstroke) upang masiguro ang unang puwesto sa kanyang kategorya.
Hindi rin nagpahuli si Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout Behrouz Mohammad Madi Mojdeh na nagrehistro naman ng 42 puntos upang angkinin ang MOS award sa boys’ 13-year class.
Umani si Mojdeh ng dalawang ginto sa 200m breaststroke at 100m breaststroke, isang pilak sa 400m IM at dalawang tanso sa 200m IM at 200m butterfly sa torneong nilahukan ng mahigit 600 tankers mula sa 16 teams na nagpartisipa.
Wagi rin ng MOS plum si Therese Annika Quinto sa girls’ 13-year kung saan nakakuha ito ng 40 puntos.
Galing ito sa isang ginto (200m backstroke), dalawang pilak (400m freestyle at 100m freestyle) at tatlong tanso (200m freestyle, 50m freestyle at 100m backstroke).
Kasama rin sa delegasyon sina Mikhael Jasper Mikee Mojdeh na may tatlong pilak at dalawang tanso, Clara Maligat na may isang tanso, Juancho Jamon na may isang pilak at isang tanso, at Athena Custodio na may isang tanso.
“It’s job well done for our swimmers. Looking forward kami sa next participation namin next year. Hopefully mas maraming swimmers na ang maipadala namin,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.
-
PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa. “Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media […]
-
Tama lamang na magkatuluyan sina Bryce at Angge: Fans nina WILBERT at YUKII, naniniwala sa ‘true love’ at ‘happy ever after’
MATAPOS ang 13 linggo ng pagpapakilig, pagpapatawa, pagpapaiyak, at pagpapaibig sa fans, magsasara na ang kuwento ng Ang Lalaki sa Likod ng Profile ng Puregold Channel. Natunghayan ng mga tagapanood nang magkakilala sina Angge (Yukii Takahashi) at Bryce (Wilbert Ross) sa digital na mundo; ang pagiging magkaibigan at pagpapalagayang-loob ng dalawa, at ang pagkakaroon nila […]
-
MALLARI: First Filipino Film distributed by Warner Bros. Pictures, Kicks off with a Biggest Mediacon and Fancon
MENTORQUE Productions makes history through its film and Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 entry, MALLARI, as the first Filipino movie distributed by Warner Brothers Pictures. Kicking off its month-long journey towards the December 25 MMFF 2023 release, Mentorque in cooperation with Cleverminds Incorporated, held the biggest and grandest media and fan conference-in-one […]