• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 COVID-19 vaccines na ang may aplikasyon para sa clinical trial sa Pilipinas: DOST

TATLONG bakuna laban sa COVID-19 ang nangunguna ngayon aplikasyon para makapagsagawa ng clinical trial sa Pilipinas.

 

Ang gawa ng Gamaleya Research Institute na Sputnik V mula Russia, at mga gawa ng kompanyang Sinovac mula China at Janssen Pharmaceutica sa Belgium.

 

“Nag-submit na pero kumpleto ang documents nila. So tatlo so far ang already in the process of application sa ating FDA (Food and Drug Administration,” ani Dr. Jaime Montoya, ang executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD).

 

Hindi pa tiyak kung kasali ang bakuna ng tatlong institusyon sa isasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO), dahil hindi pa naglalabas ng listahan ang international body.

 

Nitong Linggo sinabi ng WHO na posibleng bago matapos ang 2020 ay may available nang bakuna ng COVID-19.

 

Pero ayon kay Dr. Montoya, naka-depende sa resulta ng mga isinasagawang clinical trial sa buong mundo ang availability ng bakuna sa publiko.

 

Ilang bansa na rin kasi ang nauna nang magsagawa ng huling antas ng clinical trial, at kung matatapos sila bago magsara ang 2020, sa unang quarter ng 2021 pa magiging available ang kanilang mga datos.

 

“Kailangan matapos muna ang Phase 3 clinical trials. Kapag natapos ito, ia-approve ng kanilang FDA sa kanilang bansa, at only kapag na-approve ng kani-kanilang FDA, pwede sila mag-submit sa ilang mga FDA na outside ng kanilang bansa, kabilang na ang Pilipinas.”

 

Sa resulta rin ng isinagawang trials naka-depende ang mga bakunang mapipili sa inisyatibong COVAX Facility. Sumali rito ang Pilipinas, at pangako ng pasilidad ang patas na distribusyon ng bakuna sa bawat sumaling estado.

 

Ayon sa Western Pacific regional office ng WHO, posible na sa huling bahagi pa ng 2021 magiging available ang unang dalawang bilyong dose ng mga bakuna sa COVAX Facility.

 

“Generally, when we are go- ing to look into the target of COVAX, its by the end of 2021 that they are trying to come up with the first two billion doses that will be allocated to all countries who will be participating,” ani Dr. Socorro Escalante.

 

Sa ngayon, pinag-iingat pa rin ng WHO ang publiko habang naghihintay ang buong mundo sa ligtas at epektibong bakuna. (Ara Romero)

Other News
  • Kasama sina Gretchen at ibang PIE Jocks sa ‘PIE Channel’: ELMO, masaya na makatrabaho si VIVOREE na nakasama sa acting workshops

    MAKABULUHANG kwentuhan at masayang kantahan ang hatid ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa viewers mula umaga hanggang gabi dahil sa mas pinasiksik na palabas ng BRGY. PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG.     Tuwing umaga (10 am – 12 nn), makakasama ng viewers ang ‘brunchkada’ nina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, […]

  • SUSPEK SA PAGPATAY SA DLSU STUDENT, KILALA NA

    KILALA na ng Cavite police ang suspek sa pagpatay sa isang Graduating student ng De La Salle University (DLSU) Dasmariñas  na natagpuang wala ng buhay sa loob ng isang dormitory sa Dasmariñas City Cavite noong Marso 28, 2023.     Kinilala ni PLt Coronel Jose Oruga Jr, Hepe ng Dasmarinas City Police ang suspek na […]

  • Unfinished gov’t projects, hindi magiging ‘white elephants’- Andanar

    TINIYAK ng Malakanyang na hindi magiging “white elephants” ang mga unfinished infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program dahil dumaan ito masusing assessment ng National Economic and Development Authority (NEDA) bago pa ito inaprubahan.     Ang pahayag na ito ni acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na sabihin ni presidential bet […]