3 dalaga nalambat sa P1.1 milyon shabu sa Navotas
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P1.1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong dalaga na umano’y sangkot sa illegal na droga matapos malambat sa buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang mga naarestong suspek na sina Kyla Marie Legaspi, 22, (Pusher/Not Listed), Kristal Shaine Legaspi, 19, (Pusher/Not Listed) at Marizza Adalla alyas “Mutya”, 29, (User/Not Listed), pawang residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-3:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Eforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa Leaño St., Brgy., Bangkulasi kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,000 halaga ng droga.
Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang tinatayang nasa 162 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price (SDP) P1,101,600.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at limang P1,000 boodle momey, P1,500 cash, body bag, 2 coin purse, weighing scale, cellphone at maliit na note book.
Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Jose Santiago Hidalgo Jr, ang Navotas police sa matagumpay na drug operation na para maiwasan ang paglaganap ng iligal na droga at ang masamang epekto nito. (Richard Mesa)
-
Pangako ni PBBM, panatilihing ligtas ang mga mamahayag
SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa. “Marcos is committed to protecting you,” ani Velicaria-Garafil. “Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos, ay patuloy ang pagkilala […]
-
56 Valenzuelano nakatanggap ng libreng bisikleta, livelihood aid
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance kung saan 56 beneficiaries ang ginawaran nito. Sa tulong ng City’s Public Employment Service Office (PESO), 56 na benepisyaryo ang sumailalim sa social preparation training […]
-
Higit 150k ang dumalo sa Puregold ‘MassKaravan at concert’: FLOW G, nagbigay ng saya at inspirasyon kasama si SKUSTA CLEE at SB19
SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19 ang panalo spirit sa Puregold Sari-sari Store MassKaravan at Concert sa Bacolod. Ang pagdiriwang na ito ay dinala mismo ng Puregold sa MassKara Festival na idinaraos taon-taon at dinarayo ng libo-libong mga bisita mula sa […]