• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3-day national COVID-19 vaccination drive, handa na kahit kulang pa ng volunteers – NTF

All set na ang pamahalaan para sa pagsisimula ng tatlong araw na national vaccination drive simula bukas, Nobyembre 29.

 

 

Ito’y kahit 51,000 pang volunteers ang kulang ayon kay National Task Force Against Coronavirus Disease 2019 (NTF – COVID-19) spokesperson Restituto Padilla.

 

 

Kasabay nito ay iginiit ni Padilla na kailangan pa rin ng pamahalaan ng mas maraming volunteers na tatao sa mahigit 6,000 active vaccination sites at posibleng 5,000 na mas maliit na sites na maaaring idagdag.

 

 

Mismong ang Department of Health (DOH) na rin aniya ang nagsabi na kailangan pa rin ng karagdagang mga volunteer na makakasama ng 18,000 na kumpirmado nang sasali sa tatlong araw na bakunahan.

 

 

Nauna nang sinabi ng DOH na nangangailangan sila ng nasa 160,000 volunteers para sa vaccination drives na kabibilangan ng mga health screeners, post-vaccination monitoring personnel, health educators, registration personnel, data consolidators, encoders, at vaccinators mismo.

 

 

Bilang bahagi ng solusyon, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na inatasan na ni DILG Secretary Eduardo Año ang mga local government units na gamitin ang kanilang contact tracers para tumulong.

 

 

Ang mga may medical background ay papayagang makapagbakuna habang iyong mga non-medical personnel naman ay itotoka sa data management. (Daris Jose)

Other News
  • NAGPANGGAP NA EMPLEYADO NG SC, INARESTO

    INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI)-Cybercrime Division (CCD) ang isang indibidwal na nagpanggap na empleyado ng Supreme Court (SC) dahil sa pag-aalok ng non-appearance services para sa annulment cases.     Ayon sa NBI-CCD, kinilala ang suspek na si Jay Ann Balabagno alyas Jay Ann Anderson sa Fairview ,Terraces ,Quezon City.   […]

  • Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad

    MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod.       Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na […]

  • Petisyon vs PUV modernization, ibinasura ng SC

    IBINASURA ng Korte Suprema ang isang petisyong humihiling na ipawalang-bisa ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) na isinusulong ng Department of Transportation (DOTr).     Sa desisyon ng Supreme Court (SC) en banc, na iniakda ni Associate Justice Maria Filomena D. Singh, ibinasura nito ang petition for certiorari and prohibition na inihain ng mga […]