• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 drug suspects isinelda sa P90K shabu sa Caloocan

MAHIGIT P90,000 halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Topher”, 27, (pusher) ng Brgy. 120, alyas “Junior”, 42 ng 10th Avenue at alyas “Dekdek”, 26, welder ng 3rd Ave., BMBA Compound.

 

 

Sa report ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-10:10 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ng buy bust operation sa 2nd Avenue Brgy. 120 kontra kay Topher.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon kay Topher ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin niya ang marked money mula sa pulis kapalit ng isang medium sachet ng shabu ay agad siyang pinosasan ng mga operatiba.

 

 

Kasama ring binitbit ng mga operatiba sina Hunior at Dekdek na sinasabing kapwa bumili din ng shabu kay Topher.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13.50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P91,100.00 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 6-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinapurihan naman ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Laban ng Azkals at Vietnam nagtapos sa draw

    PINAHIYA ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw.     Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa […]

  • DOTr: Central command center para sa mga road accidents binuksan

    Inilungsad ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) ang central command center para sa mga road related accidents at motor vehicle crimes.     Kasama rin inilungsad ang bagong mobile app na tinawag na CitiSend na isang incident reporting mobile kung saan puwedeng ipagbigay alam ang mga road accidents at motor vehicle […]

  • Administrasyon ni PBBM, palalakasin ang mga kababaihan sa pamamagitan ng ICT education, skills training – DICT

    MAYROONG mga programa ang administrasyong Marcos na naglalayong turuan at paghusayin ang kasanayan ng mga kababaihang Filipina ukol sa information and communications technology (ICT).     Isang paraan ito upang  mabigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihang Filipina,  ayon kay Patricia Nicole Uy, head executive assistant (HEA) ng Kalihim ng  Department of Information and Communications Technology […]