3 drug suspects tiklo sa halos P.4M droga at baril sa Caloocan
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa halos P.4 milyong halaga ng shabu at isang baril ang nasamsam sa tatlong drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Restie Mables ang naarestong mga suspek na sina alyas Louie, 43, (HVI), alyas Ron, 44, at alyas Buboy, 23, pawang residente ng lungsod.
Sa ulat ni Lt. Mables kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagtutulak ng droga ni ‘Louie’ at ‘Ron’ kaya ikinasa nila ang buy bust operation laban sa mga ito.
Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P6,500 halaga ng droga at nang tanggapin ni ‘Ron’ ang marked money mula sa police poseur buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-4:08 sa Kawal Raffol 2 Brgy., 28, kasama ang kanila umanong parokyano na si ‘Buboy’.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 57 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P387,600, buy-bust money na isang P500 at 6-pirasong P1,000 boodle money habang nakuha naman kay ‘Louie’ ang isang kalibre .45 pistol na may isang magazine at kargado ng tatlong bala.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan pa na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act ang kakaharapin ni ‘Louie’. (Richard Mesa)
-
Pinas, handa kay Mawar
NAKAHANDA ang gobyerno sa posibleng epekto ng Super Typhoon Mawar sa oras na pumasok na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naghahanda ang pamahalaan para sa posibleng epekto ng bagyo sa hilagang bahagi ng bansa at maging sa iba pang lugar. “Pinaghahandaan din […]
-
Ipasa ang Anti-Endo Law
KINALAMPAG ng Malakanyang ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na agad na ipasa ang batas na magtutuldok sa “endo” o end of contract ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Ito’y makaraang manawagan ang iba’t ibang grupo ng mga manggagawa sa gobyerno dahil sa kawalan pa rin ng batas laban sa contractualization na isa sa ipinangakong […]
-
Halos 15-K vehicles, nadagdag sa mga lansangan ng NCR nang mag-umpisa ang Disyembre – MMDA
INIULAT ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagkakadagdag ng 10,000 hanggang 15,000 na mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila, simula nag-umpisa ang buwan ng Disyembre batay sa regular monitoring ng ahensiya. Ayon kay MMDA Traffic Enforcement Group Director Victor Nuñez, ito ang pangunahing dahilan ng mga traffic buildup sa iba’t-ibang mga […]