3 HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU
- Published on August 28, 2020
- by @peoplesbalita
KULONG ang tatlong sangkot umano sa illegal na droga kabilang ang isang bebot matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa Caloocan city.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na si Pibrico Lunday, 27, Jeffrey Milanes, 37, at Khim Claire Vergara, 20, pawang ng East Libis St. Brgy. 160 ng lungsod.
Alas-4:15 ng madaling araw nang respondehan ng mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Brian Ramirez ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap umanong pot-session sa Blk 4 East Libis St. Brgy. 160.
Pagdating sa lugar, nakita ng mga pulis ang mga suspek na sumisinghot ng shabu subalit, nang mapansin ng tatlo ang pagdating ng mga parak ay tinangka ng mga ito na tumakas.
Gayunman, nagawang silang maaresto nina PCpl Sherol De Vera at PCpl Joseph Suriaga kung saan nakumpiska sa kanila ang aabot sa 18.7 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P120,000 ang halaga at drug paraphernalias.
Kakasuhan ng pulisya ang mga suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’
SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’. Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang […]
-
PBA ikinalungkot ang muling pagkakasangkot sa gulo ni Amores
Hindi maitago ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang kalungkutan sa pagkakasangkot sa barilan ni NorthPort guard John Amores sa Lumban, Laguna. Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi na sila magbibigay ng anumang komento dahil ipapaubaya na lamang nila sa mga kapulisan. Tikom din ang bibig ni Marcial […]
-
Top 8 most wanted person sa Valenzuela, nabitag sa Pangasinan
NAGWAKAS na ang mahigit sampung taon na pagtatago sa batas ng isang lalaki na nasa top 8 most wanted person ng Valenzuela City Police Station (VCPS) matapos kumagat sa pain ng pulisya na makipag-date na dahilan ng pagkakaaresto sa kanya sa Pangasinan. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]