3 huli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak sa Valenzuela
- Published on April 4, 2023
- by @peoplesbalita
SIBAK na sa trabaho, kulong pa ang tatlong kawani makaraang mahuli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak na pag-aari ng pinagtatrahuhan nilang kompanya sa Valenzuela City.
Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr ang mga naarestong suspek na sina Dandreb Acosta, 42, ng Saint Francis Village, Meycauayan, Bulacan, Edgardo Garcia, 23, ng Lambakin, Marilao, Bulacan at Jhon Eric Cabesas, 22, ng Kaunlaran, Navotas City.
Ayon kay P/Lt. Armando Delima, hepe ng Station Investigation Unit (SIU), matagal ng nagdududa ang may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan ng mga suspek na may ginagawa silang ilegal dahil sa malaking konsumo ng krudo ng kanilang trak.
Ikinatuwiran umano ng mga suspek na luma at may diprensiya na ang trak kaya’t malakas kumunsumo ng krudo.
Noong araw ng Biyernes, Marso 31, sinundan ng isa sa mga may-ari ng kumpanya sa kanilang biyahe ang mga suspek hanggang maaktuhan nila ang ginagawang pagpapa-ihi sa krudo ng trak sa isang gasolinahan sa Brgy. Malanday.
Upang hindi makapagkaila, kinuhanan pa ng video ng may-ari ang ginagawang pagsipsip sa krudo, bago sila kinompronta nang makahingi na ng tulong sa awtoridad subalit nagtangka pang tumakbo ang tatlo.
Sinabi ni Lt. Delima na inamin ng mga suspek na ibinebenta nila sa mga tsuper ng pampasaherong jeep ang sinisipsip na krudo at kanilang pinaghahati-hatian ang napagbentahan.
Nakuha ng mga pulis sa mga suspek ang apat na galon, isa rito ay may laman ng 18 litro ng sinipsip na krudo na katumbas ng halagang P1,026.00, at isang metrong hose na gamit na panipsip.
Kasong paglabag sa Article 310 ng Revised Penal Code o qualified theft ang kinakaharap ngayon ng mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
PAGSINGIL NG GENERATION COST NG MERALCO, PINALAGAN
IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan. Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013. “How can they […]
-
Balik-eskwela’t sports ng MILO Philippines
PANDEMYA ang sanhi sa naantalang pisikal na mga klase at kanselasyon ng mga aktibidad sa sports sa bansa. Kaya lahat ng mga estudyante nananatili na lang sa kanilang mga tahanan at gumugol nang mahabang oras sa mga laptop at mobile phone. Nagbalik na ang milyong mga mag-aaral sa mga klaseng magkakaharap, […]
-
Overseas absentee voting larga na
UMARANGKADA na kamakalawa ang ‘overseas absentee voting’ para sa Halalan 2022 na inaasahan ng Commission on Elections (Comelec) na sasamantalahin ng mahigit 1.6 milyong nakarehistrong botante. Sa ilalim ng Overseas Absentee Voting Act, ang mga rehistradong botante sa abroad ay pipili ng presidente, bise-presidente, mga senador at party-list groups. Ayon sa […]