3 illegal na nangingisda sa Navotas, timbog sa Maritime police
- Published on June 12, 2024
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang illegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Navotas City, kaugnay sa All Hands Full Ahead na ikinasa ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station/Maritime Law Enforcement Team MLET BASECO.
Ayon sa inisyal na report, nagsagawa ng Seaborne Patrol Operation ang mga tauhan ng MLET BASECO sa pangunguna ni PEMS Antonio V Verzo, MLET BASECO, Team Leader, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ John Stephanie Gammad, hepe ng Northern NCR MARPSTA, kaugnay sa All Hands Full Ahead sakay nang loaned Banca sa karagatan na sakop ng Navotas City.
Dito, naispatan ng tauhan ni Major Gammad ang isang puting motorized fishing banca na may markings na “FBCa DHENNY CRUS” na illegal na nangingisda sa naturang lugar gamit ang active gear o tinatawag na (Trawl).
Dahil malinaw na paglabag ito Section 95 (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays and other Fishery Management Areas), at Sec. 86 (Unauthorized Fishing) sa ilalim ng R.A. 10654 ay inaresto ng mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA ang kapitan ng naturang bangka at dalawang crew nito.
Nakumpiska sa mga dinakip ang kanilang Fishing Banca na may gross tonnage na 4.90, ang makina nito na Mitsubishi 67.11 KW, fish net na may humigit kumulang 200 metro, at tatlong banyera ng Alamang na may humigit kumulang 18 kilos.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 86 (Unauthorized Fishing), at Section 95 (Use of Active Gear in Municipal Waters, Bays and Fishery Management Areas) of R.A. 10654. (Richard Mesa)
-
Partnerships, mahalaga sa regional disaster risk reduction-PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mahalaga ang ‘partnerships’ sa mga bansa sa Asia Pacific region para makapagtatag ng ‘adaptive, inclusive, resilient, at sustainable region’ sa disaster risk reduction. Ito ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang ‘courtesy and ministerial dinner for the delegates of the 2024 Asia-Pacific […]
-
Huwag gamiting bulletproof vest ang OVP staff at sagutin ang alegasyon ng ₱612.5M fund misuse
TINULIGSA ng mga lider ng kongreso si Vice President Sara Duterte ang lantaran umano nitong pagtatangka na iwasan na sagutin at managot sa alegasyon ng iregularidad sa paggamit umano ng ₱612.5 milyong confidential funds sa pamamagitan ng paggamit bilang “buffer” sa kanyang staff. “The Vice President must stop hiding behind her staff. They […]
-
3 laglag sa P75K droga sa Caloocan
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P75,000 halaga ng shabu sa Caloocan City. Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng […]