• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 isinelda sa cara y cruz at boga sa Navotas

HIMAS-REHAS ang tatlong lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na naglalaro ng illegal na sugal na “cara y cruz” at makuhanan pa ng baril ang isa sa kanila sa Navotas City.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig ang mga naarestong suspek na sina Mark Anthony Ellaso, 36, warehouseman ng Brgy. 28, Caloocan City, Raniel Santos, 20, fish porter at Razel Villegas, 25, fish porter, kapwa ng Brgy. Tangos South.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Umipig na habang nagsasagawa ng covert monitoring ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni PCPT Luis Rufo Jr, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Tanigue corner Kanduli St., Brgy. NBBS Dagat-dagatan nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng iligal na sugal na cara y cruz.

 

 

Kinumpronta sila ng mga pulis saka inaresto at nakumpiska sa mga suspek ang talong pirasong piso coin na gamit bilang “Pangara”, P1,035 bet money at isang homemade zip gun na may dalawang bala ng cal. 9mm na nakuha sa isa sa kanila.

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D 1602 (Cara y Cruz) habang karagdagang kasong paglabag sa R.A 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng isa sa kanila. (Richard Mesa)

Other News
  • IRR para sa amnestiya sa mga dating rebelde, kulang pa rin ng pirma

    HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maipalabas ng gobyerno ang implementing rules and regulations (IRR) ng amnesty proclamations para sa mga dating rebelde dahil nananatiling kulang ng pirma mula sa mga kinauukulang opisyal ng gabinete ang dokumento.     Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pirma nina […]

  • LAGUSNILAD UNDERPASS MAKE-OVER SINIMULAN NA – ISKO

    INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sinisimulan na ang rehabilitasyon at make-over ng Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall, upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga motorista lalo na sa gabi.   Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno si City Engineering Department Head Engineer Armand Andres na simulan na […]

  • Utos ni PBBM sa PCG, imbestigahan ang ang nangyaring banggaan sa Ayungin Shoal

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine Coast Guard (PCG)  ang nangyaring pagbangga ng China Coast Guard (CCG) sa  maliit na barkong kinontrata ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa resupply mission sa Ayungin Shoal, ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)     Nauna rito, nagpatawag si […]