• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 kelot dinampot sa baril sa Malabon

SA loob ng kulungan gugunitahin ng tatlong lalaki ang Semana Santa matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Malabon City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro na nakatanggap ng impormasyon ang Station Intelligence Section (SIS) mula sa isang Barangay Information Network (BIN) ng Barangay Tañong hinggil sa isang armadong lalaki na pagala-gala sa Estrella Street ng nasabing barangay dakong alas-7:00 ng gabi.

 

 

Kaagad rumesponde sa nasabing lugar ang mga operatiba ng SIS sa pangunguna ni PSSg Pepito Gatus na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si John Carl Suarez, 25, ng Market 3, NBBN, Navotas City at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 38 na baril na may apat na bala.

 

 

Alas-4:25 naman ng hapon nang magsagawa ng pagsisilbi ng search warrant ang pinagsamang mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Malabon police sa pangunguna ni PCpt Joseph Alcazar at SIS sa No. 7 E. Martin Street, Barangay Santulan, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Angelito Nieves, 40.

 

 

Pinosasan si Nieves matapos walang maipakitang kaukulang mga dokumento sa isang cal. 38 revolver na may tatlong bala na nakuha sa kanya matapos ang ipinatupad ng pulisya na search warrant na inisyu ni Executive Judge Rhoda Magdalene Mapile-Osinada ng Malabon City Regional Trial Court (RTC) laban sa kanya.

 

 

Samanta, dinampot naman si Dodie Boy Mamuyac, 38, matapos makuhanan ng isang cal. 38 revolver na may tatlong bala sa isinagawang pagsisilbi ng search warrant ng mga pulis sa kanyang bahay sa Dulong Bronze St., Brgy. Tugatog, dakong alas-12:45 ng madaling araw.

 

 

Pinuri ni BGen Peñones ang Malabon police sa pamumuno ni Col. Daro sa kanilang mahusay na trabaho na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga msuspek na nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunations Regulation Act). (Richard Mesa)

Other News
  • COVID-19 cases sa bansa higit 507,000 na habang patay nasa 10,116

    Nadagdagan pa ng 1,783 ang bagong hawa ng coronavirus disease sa Pilipinas, bagay na nagtutulak sa kabuuang infections sa 507,717, ayon sa Department of Health.     Kasalukuyan namang nagpapagaling pa ang nasa 30,126 na tinamaan ng COVID-19 na siyang bumubuo sa “active cases.”     Kamamatay lang ng 74 pang kaso, kung kaya’t umabot […]

  • Vaccination accomplishment ng administrasyong Duterte, malaking ambag na maiiwan sa susunod na Administrasyon – NTF against COVID 19

    MAITUTURING na malaking ambag para sa papasok na administrasyong Marcos ang maiiwang accomplishment ng Duterte administration sa usapin ng pagbabakuna.     Sinabi ni National Task Force Against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, Lunes ng gabi, maikukunsiderang malaking kontribusyon na ang […]

  • Kabuuang kita ng ‘MMFF 2023’, lampas isang bilyon na: ‘Rewind’ nina DINGDONG at MARIAN, higit P600M na ang kinita at kalat na ang ‘pirated copy’

    NAG-UUMAPAW ang pasasalamat ng Metro Manila Film Festival dahil umabot na sa higit isang bilyong piso ang kinita ng 49th MMFF noong ika-7 ng Enero, na talaga namang pinilahan ng mga manonood ang huling araw ng filmfest.   At dahil sa matinding pagsuporta at kahilingan nang hindi pa nakakapanood ng 10 official entries, “A Family […]