3 KULONG SA P.6M HALAGA NG DROGA SA CALOOCAN
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng pulisya ng halos P.6 milyon halaga ng illegal na droga sa magkahiwalay na operation sa Caloocan city.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., nakatanggp ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umanoy’ illegal drug activities ni Orlando Domalaon, 52, construction worker ng Sto. Niño Area D, Camarin, Brgy. 178.
Matapos ang isang linggong validation ay nakumpirma na tama ang impormasyon kaya’t agad nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo ng buy bust opereation sa Pili St., Brgy.178, dakong 1 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaarestro kay Domalaon.
Nakumpiska sa kanya ang nasa P40 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P272,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at 6 pirasong P1,000 fake/boodle money.
Dakong 11:15 naman ng gabi nang maaresto ang tricycle driver na si Roberto Roque Jr., 27, ng 40 Masaya St. RP Gulod Novaliches Quezon City matapos tangkain takbuhan ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 12 na nagsasagawa ng check point sa kahabaan ng Phase 9, Langit Road corner Lacson Road, Bagong Silang sa pangunguna ni PLT Mel Soniega, PLT John Sadorra at NPD-DMFB sa pangunguna ni PLT Jerry Terte habang sakay ng isang motorsiklo at isa pang hindi kilalang kasama nito na nagawang makatakas.
Narekober ng mga pulis ang eco bag na nahulog mula sa motorsiklo ng mga suspek na naglalaman ng isang block na nasa 1,000 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon with fruiting top ng marijuana na tinatayang nasa P120,000 ang halaga.
Natimbog din ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station si Janice Espiritu , 37 matapos makuhanan ng nasa 30 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasaP 204,000 ang halaga makaraang tumakbo nang sitahin ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Magaling Street Brgy. 145 dahil walang suoit na face mask dakong 3:20 ng madaling araw. (Richard Mesa)
-
Tanggapan ng DDEU-NPD, pinagbabaril at hinagisan ng granada
PINAGBABARIL at hinagisan pa ng granada ng hindi kilalang mga suspek ang tapat ng tanggapan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw. Tinangka pang habulin nina P/Cpl. Gerald Corotan at Pat. Yaweh Strero, mga duty police officers ng naturang tanggapan ang apat na […]
-
Bulacan nagbigay ng oryentasyon sa RA 10821 at basic sign language sa mga kawani at child development workers
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng obserbasyon ng National Disaster Resilience Month (NDRM) at National Disability Prevent and Rehabilitation (NDPR) Week, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare Development Office ng “Orientation on RA 10821 at Basic Sign Language” para sa mga empleyado, mga social worker at child development workers […]
-
COVID active cases sa PH nasa pinakamataas na umaabot sa 27,754
NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754. Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727. Sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay […]