• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 laglag sa P75K droga sa Caloocan

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng tatlong lalaki na hinihinalang sangkot sa illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P75,000 halaga ng shabu sa Caloocan City.
          Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 7C, Brgy. 176, Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit at inireport sa kanila ang nagaganap umanong transaksyon ng illegal droga malapit sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si alyas “Batak” dakong alas-4:10 ng madaling araw.
          Nakumpiska sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 6.16 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P41,888.00.
          Nauna rito, nadakip naman ng mga tauhan ng Police Sub-Station 6 sina alyas “Ranny”, 51 ng Brgy. 162, at alyas “Jason”, 39 ng Brgy. 159, nang tangkain takasan ang mga pulis na mag-iisyu ng Ordinance Violation Receipt (OVR) sa kanila dahil walang suot na damit na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod habang gumagala sa Rose St., Brgy. 161, alas-12:00 ng tanghali.
           Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng aabot 5 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P34,000.00.
          Ayon kay Col. Lacuesta, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • Superal nagreyna sa ICTSI

    DINISPATSA ni Princess Mary Superal sina Harmie Constantino at Chihiro Ikeda sa birdie sa front nine at ang astig na hamon ni Chanelle Avaricio sa birdie sa 17th para maka-65 at maiposte ang one-stroke win sa kahahambalos na ICTSI Sherwood Ladies Challenge sa Trece Martirez City.     May 208 aggregate siya kasama pa ang […]

  • DND, pinutol na ang kasunduan sa UP na nagbabawal sa PNP at AFP sa mga campuses nila

    Pinutol na ng Department of National Defense (DND) ang 31-taon na kasunduan sa University of the Philippines (UP) na pagbabawal sa mga pagpasok ng mga kapulisan at kasundaluhan sa mga campuses kapag walang koordinasyon sa mga opisyal ng unibersidad.   Sa sulat ni DND Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, sinabi ito na […]

  • Nievarez planado na laban

    BUO ang magiging balak ni Cris Nievarez sa kanyang laban sa pinandemyang 32nd Summer Olympic Games 2020 rowing men’s single sculls ngayong Biyernes ng umaga pa ang opening ceremonies sa alas-8:00 nang gabi (alas-7:00 nang gabi sa Maynila).     “Ang goal lang naman is makalapit sa kung sino man ang magli-lead and try to sustain […]