3 LRT 2 stations na nasunog malapit ng buksan
- Published on January 13, 2021
- by @peoplesbalita
Ang tatlong (3) Light Rail Transit 2 (LRT2) stations na nasunog noong 2019 at nahinto ang operasyon ay mabubuksan na sa first quarter ng taon.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang Anonas, Katipunan, at Santolan stations ay muling mabubuksan ang operasyon sa unang quarter ng taon.
Ang nasabing tatlong stations ay sinara matapos na masunog ang 2 power rectifiers o transformers noong October 2019.
Ang sunog ay nagsimula ng ang transpormer na nakalagay sa pagitan ng Anonas at Katipunan stations ay pumutok at sumabog at dahil ang mga transpormers ay “work in series,” ang transpormer sa Santolan depot ay nasunog din.
Natagalan ang ginawang repairs sapagkat ang mga parts ay kinaha pa sa France, United Kingdom, at Japan. Ang mga parts ay hindi mga off-the-shelf-items dahil kinakailangan pa itong customized sa systems ng LRT 2.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesman Hernando Cabrera, naglaan sila ng P430 million upang palitan at ma restore ang LRT 2 sa kanyang full operation capacity. Kasama na rito ang importations, installations at commissioning.
Dahil sa mga pangyayari ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagpadala ng apat (4) na buses upang isakay ang mga pasahero na walang masakyan ng walang bayad. Nagdagdag rin ng apat (4) na buses ang Philippine Coast Guard (PCG) noong nakaraang Sabado. Kung kaya’t mayron walong (8) buses na kabuohan ang pumapasada mula Santolan hanggang Cubao at vice versa.
Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ay nagpalakad din ng 20 modernized public utility vehicles upang isakay ang mga pasahero mula sa Santolan papuntang Cubao.
Samantala, nagbigay naman ng rekomendasyon si DOTr Secretary Arthur Tugade sa LRTA na kung maaari ay buksan na ang dalawang LRT2’s East Extension project, ang Marikina at Antipolo sa darating na April 26.
“Let us finish it right away so the Filipino people can enjoy these stations,” wika ni Tugade. Sinabi niya ito kay Ambassador Kazuhiko Koshikawa kasama ang iba pang DOTr officials ganon din ang representatives ng project proponents na D.M. Consunji Inc. at Marubeni Corp. at ang partner na Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang LRT 2 na magkakaron ng karagdagan dalawang (2) stations ay makakatulong upang mabawasan ang travel time mula Recto Avenue sa Manila papuntang Masinag sa Antipolo at ito ay magiging 40 minuto na lamang mula sa tatlong (3) oras na pagbibiyahe.
Kung mabubuksan ang Marikina at Antipolo stations, ito ay makapagsasakay ng ng karagdagang humigit kumulang na 80,000 na pasehero mula sa ngayon na 240,000 na pasahero kada araw. (LASACMAR)
-
Mga opisyal ng NFA na nasa ilalim ng imbestigasyon, hinikayat na boluntaryong mag-leave of absence
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA). Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department […]
-
Yulo maghahasa pa sa 2-3 torneo pa-Olympics
MAY dalawa hanggang tatlong kompetisyon pang lalahukan si Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo bago sumalang pangarap ng lahat ng atleta na 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong lang sa darating na Hulyo 2021 dahil sa Covid-19. Nabatid kamakalawa kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrrion-Norton, na gaganapin sa Marso-Hulyo […]
-
SHARON, ipinagmamalaki na ilang araw na siyang ipinagluluto ni JUDY ANN; ramdam ang pag-aalaga at pagmamahal
IPINAGMAMALAKING ikinuwento ni Sharon Cuneta na ilang araw na raw siyang ipinagluluto ni Judy Ann Santos at super thankful nga siya kay Juday sa pag-aalaga sa kanya. May sakit si Megastar at sinabi nitong may pinagdadaanan siya these past few days, base na rin sa mga posts niya. Sabi nga niya, […]