3 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD
- Published on June 4, 2021
- by @peoplesbalita
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na mangingisda sa kasagsagan ng bagyong Dante sa Northern Cebu.
Ayon sa PCG-Tudela Station, naputol ang propeller ng motorbanca na sinasakyan ng mga pumalaot na mangingisda kasabay ng malakas na pag-ulan.
Dahil dito, nagpalutang-lutang ang kanilang motorbanca hanggang mapadpad sa Fr. Joseph Weirtz Bayview Park matapos silang tangayin ng malakas na agos.
Nagkataon naman na nasa likod lamang ng PCG-Tudela substation ang nasabing parke kaya agad silang nasaklolohan.
Nakilala ang mga mangingisda na kinabibilangan nina Arturo Nipaya, 46, kapitan ng motorbanca; Jenny Agbay, 18; Ardie Dumdom, 29; Jay Michael Agbay, 26; Nestor Marcado, 26; at Petronilo de Gracia, 25, na pawang residente ng Barangay Baliwagan, Balamban, Cebu. (GENE ADSUARA)
-
OFW SA ISRAEL, HINDI MUNA MAGPAPADALA
HINDI na muna magpapadala ng mga Pinoy overseas Filipino workers sa Israel. Sa kumpirmasyon ngayon ni Labor Secretary Silvestre Bello III , sinabi nito na ang suspensyon ng pagpapadala ng manggagawang Pinoy ay dahil na rin sa nangyayari sa pagitan ng Israel at grupo ng hamas at iba pang armadong militante sa Palestine. […]
-
Ads February 11, 2021
-
Kelot na nanggulo habang armado ng sumpak, swak sa selda
ISANG lalaki na nanggulo at nambulabog sa katahimikan ng gabi habang armado ng baril ang bitbit ng pulisya sa selda sa Caloocan City. Dakong alas-1:30 ng madaling araw nang mabulabog ang gising ng mga residente ng Robes II, Brgy. 175 Camarin sa ginawang panggugulo at paghahamon ng away ng suspek na si alyas […]