• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 mangingisda, timbog sa P142K shabu

ARESTADO ang tatlong mangingisda kabilang ang isang binatilyo na narescue sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang mahigit sa P142K halaga ng shabu sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Jhay Ar Miranda, 26, Edward Dizon, 26, ang isang 16-anyos na binatilyo, pawang residente sa lungsod.

 

Ayon kay P/Col. Balasabas, alas-alas-8:15 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Charlie Bontigao kontra sa mga suspek sa M. Domingo St. Brgy. Tangos North.

 

Nagawang makabili ng isang sachet ng shabu kay Miranda ng isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nang magkaabutan na ng bayad at droga, agad sumugod ang back-up na mga operatiba at sinunggaban ang suspek, kasama si Dizon at ang binatilyo na sinasabing umiiskor ng droga kay Miranda.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng humigi’t-kumulang sa 21 gramo ng hinihinalang shabu na may correspondeng standard drug price na P142,800 at buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • Ridley Scott’s “Napoleon” Starring Joaquin Phoenix Storms Global Box Office

    Ridley Scott’s ‘Napoleon,’ starring Joaquin Phoenix, storms the global box office with a stunning $78.8 million opening weekend. Explore the film’s journey to success and still showing in the Philippines.   Director Ridley Scott’s latest masterpiece, “Napoleon,” has emerged as an undisputed champion at the box office. This action-packed historical epic, graced by the talents […]

  • Federer handa ng sumabak sa French Open

    Kinumpirma ni tennis star Roger Federer ang pagsabak nito sa French Open.     Sa kaniyang Twitter account sisimulan nito ang pagsasanay sa pamamagitan ng pagsali sa Geneva Open sa susunod na buwan.     Mahigit isang taon kasi na hindi sumali sa French Open ang 39-anyos na Swiss player dahi sa dalawang beses na […]

  • 7,000 slots, bukas para sa TNVS application – LTFRB

    INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na basa 6,869 slots pa ang bukas para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS).     Sa kasalukuyan kasi, nasa mahigit 1,000 pa lamang ang natatanggap na aplikasyon ng ahensiya mula ng magsimula ang aplikasyon noong Abril 30.     Kaugnay nito, nag-abiso ang […]