3 months ‘interval’ sa booster shot, ok – DOH
- Published on December 18, 2021
- by @peoplesbalita
Irerekomenda ng vaccine expert panel ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na paiksiin ang pagitan na buwan sa tatlong buwan na lamang sa pagkuha ng booster shot kontra COVID-19.
Inihayag ito ni Health Secretary Francisco Duque III makaraan ang pagkakadiskubre sa dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.
Pito sa walong naging ‘close contacts’ ng dalawang pasyente ang natukoy na at nagnegatibo na sa COVID-19. Patuloy na biniberepika ng DOH ang isa pang close contact.
Una nang itinakda ng FDA ang pagbibigay ng booster shot makaraan ang anim na buwan ng 2nd dose ng Sinovac, AstraZeneca, Moderna, ar Pfizer.
Para naman sa nakatanggap ng single dose na Janssen at Sputnik Light, maaari nang magpa-booster shot matapos ang tatlong buwan.
-
DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes
Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa. Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]
-
Pulis ‘guilty’ sa homicide ng 17-anyos na napagkalamang suspek
HINATULANG nagkasala ng Navotas Regional Trial Court (RTC) Branch 286 ang pulis na si PSSg. Gerry Maliban sa menor de edad na napatay sa isang “mistaken identity” case habang mapaparusahan din ang apat na pulis sa pagpapaputok ng baril. Martes nang ilabas ng Navotas court ang hatol kaugnay ng pagkamatay ni Jerhode Jemboy […]
-
Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergency. Ayon sa Pangulo, ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng […]