• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 most wanted persons nabitag ng Valenzuela police

NALAMBAT ng pulisya ang tatlong most wanted persons sa ikinasang manhunt operations sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

 

 

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., dakong alas-12:30 ng tanghali ng February 27, nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela CPS at Northern NCR Maritime Police Station, Navotas City ang isang lalaking akusado sa Blk. 17, Lot 2, M. Delos Reyes Street, Lupang Sinilangan, Barangay Gen. T. De Leon.

 

 

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Mateo B Altarejos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16, Valenzuela City noong February 26, 2024, para sa kasong Acts of Lasciviousness under the RPC in rel. to Sec. 5(b) as amended by R.A. 11648 – The Anti-Rape Law of 1997.

 

 

Nauna rito, ala-1:00 ng madaling araw nang madakip naman ng mga tauhan ng Malinta Police Sub-Station 4 sa pangunguna ni SS4 Commander P/Cpt. Doddie Aguirre, kasama si PSMS Roberto Santillan at EX-O Mark Guerrero at tanod na si Argie Gamo ang akusado na si alyas “Raily Francisco”, 26 ng Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Ani PSMS Santillan, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong February 26, 2024 ni Presiding Judge Maria Nina Juaban Santos ng Valenzuela RTC Branch 171 para sa kasong Homicide na may inirekomendang piyansa na P120,000 para sa kanyang pangsamantalang paglaya.

 

 

Habang bandang alas-6:20 ng gabi nang arestuhin naman ng mga tauhan ng WSS ng Valenzuela CPS sa Padrigal St., Brgy., Karuhatan ang isa pang lalaking akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City RTC Branch 129 Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong January 29, 2024, para sa kasong Murder.

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa pagtugon nila sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong mga MWP. (Richard Mesa)

Other News
  • Halos 6-K police personnel idineploy para tumulong sa relief operations

    Nasa 5, 837 tauhan ng PNP mula sa lahat ng rehiyon ang dineploy sa Reactionary Standby Support Force para tumulong sa Relief, Search and Rescue Operations sa mga lugar na sinalanta ng bagyong “Odette”.   Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, nakapag ligtas ang kanilang mga tauhan ng 1,263 indibidual sa ikinasang 142 rescue […]

  • Ads June 2, 2022

  • Nacionalista suportado na ang kandidatura nina BBM-Sara Duterte sa Mayo

    PORMAL nang ieendorso ng Nacionalista Party — ang pinakamatandang partido pulitikal sa Pilipinas — ang kandidatura nina dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagkapresidente at pagkabise.     “For the May 2022 elections, the Nacionalist Party fully supports the candidacies of Ferdinand ‘Bongbong Marcos, Jr for President and Inday […]