• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 Pinoy sugatan matapos pinakamalakas na lindol sa Taiwan sa loob ng 25 taon

UMABOT na sa tatlong Pilipino ang sugatan kaugnay ng magnitude 7.4 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules, bagay na pumatay na sa siyam na katao at naka-injure sa mahigit 1,000 iba pa.
Ito ang ibinahagi ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) chairperson Silvestre Bello III sa panayam ng ANC ngayong Huwebes. Ang MECO ang tumatayong representative office ng Pilipinas sa Taiwan.
“Sa mga namatay, wala po[ng Pilipino]. Walang namatay na kababayan natin,” balita ni Bello kanina.
“Sa mahigit 1,000 mga injured, tatlo lang ang kababayan natin ang affected… minor injuries lahat ‘yan.”
Kabilang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na sugatan ay sina Sylvia Reyna, Arnold Gonzales at isa pang hindi pa pinangangalanang Pilipino.
Sinasabing naipit ang kamay ni Reyna sa gitna ng lindol habang tinamaan naman ang ulo ni Gonzales sa pagbagsak ng kanilang kisame.
Other News
  • Comelec maglulunsad ng task force vs vote buying; pa-raffle, donasyon bawal din

    ILULUNSAD ng Commission on Elections (Comelec) ng Task Force Kontra-Bigay upang maiwasan ang vote-buying ngayong panahon ng kampanya.     Ipinahayag ito ni Comelec Commissioner George Garcia kasabay ng kanyang pagbibigay babala sa lahat ng mga tumatakbong kandidato hinggil sa pagpapa-raffle ng mga ito sa kanilang mga pangangampanya lalo ngayong nagsimula na ang 45-day campaign […]

  • World Cup: Germany talo sa Japan sa dalawang late goals

    DOHA, Qatar — Nag-iskor ng late goal ang mga pamalit na sina Ritsu Doan at Takuma Asano noong Miyerkules upang bigyan ang Japan ng come-from-behind 2-1 na tagumpay laban sa Germany sa World Cup.   Binigyan ni Ilkay Gündogan ang four-time champion Germany ng pangunguna sa first-half penalty. Ngunit si Doan, na naglalaro para sa […]

  • DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’

    PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”     Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.     Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec […]