• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.

 

 

Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, ang naging biktima umano ng naturang mga kagawad ng MPD ay si Sunuk Nam,55 anyos  kung saan nakipag-ugnayan ang tracker team ng Valenzuela Police sa MPD.

 

 

Napag-alaman na natagpuan ang biktima sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City  noong Pebrero 15 ng umaga.

 

 

May mga ianresto naman ang Valenzuela police  kung saan natukoy ang pagkakasangkot ng  tatlong pulis Maynil sa krimen.

 

 

Kinumpirma naman ni Francisco na pawang mga nakatalaga sa  Roxas Blvd PCP ang tatlong pulis.

 

 

Ang motibo umano sa pagpaslang sa Koreano ay may kinalaman umano sa pera. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Public hearing sa NCR minimum wage hike, itinakda sa Hunyo 20

    ITINAKDA na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region (RTWPB-NCR) ang pagdaraos ng public hearing sa minimum wage adjustment sa Hunyo 20.       Sa abiso ng RTWPB-NCR, nabatid na idaraos ang naturang public hearing dakong alas-9:00 ng umaga sa Occupational Safety and Health Center sa Quezon City.       Nabatid […]

  • Yuka Saso, binati ng Malakanyang

    “Today is a great day in Philippine sports.”   Binati ng Malakanyang si Yuka Saso na nag-uwi ng karangalan sa Pilipinas nang manalo sa 2021 US Women’s Open.   Matatandaang nauna nang nakita ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Saso sa Malakanyang nang pagkalooban ito ng Presidential citation matapos na manalo ng gold medal sa […]

  • LRT 1 Cavite Extension 94 % kumpleto

    INAASAHAN ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang pribadong operator ng LRT 1, na matatapos ang LRT 1 Cavite Extension sa 2024 at magiging operasyonal sa huling quarter ng 2024.       Sa ngayon, ang konstruksyon ng 6.7- kilometer Phase 1 ay 94.1 porsiento ng tapos parehas sa civil at system works.     […]