• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 PULIS MAYNILA, INARESTO SA PAGPATAY SA ISANG KOREANO

INARESTO  ng  Manila Police District (MPD) ang tatlo nilang kabaro matapos na masangkot sa pagpatay umano sa isang Koreano sa isang sementeryo sa Valenzuela City.

 

 

Kabilang sa nabanggit na mga pulis ay sina PCpl Darwin G. Castillo, PSSG Carl C. Legazpi at PCpl Samruss F. Inoc.

 

 

Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, ang naging biktima umano ng naturang mga kagawad ng MPD ay si Sunuk Nam,55 anyos  kung saan nakipag-ugnayan ang tracker team ng Valenzuela Police sa MPD.

 

 

Napag-alaman na natagpuan ang biktima sa harap ng St. Angelus Cemetery Purok 4, Area 6, G. Marcelo St., Maysan Valenzuela City  noong Pebrero 15 ng umaga.

 

 

May mga ianresto naman ang Valenzuela police  kung saan natukoy ang pagkakasangkot ng  tatlong pulis Maynil sa krimen.

 

 

Kinumpirma naman ni Francisco na pawang mga nakatalaga sa  Roxas Blvd PCP ang tatlong pulis.

 

 

Ang motibo umano sa pagpaslang sa Koreano ay may kinalaman umano sa pera. (GENE ADSUARA)

Other News
  • P11B HALAGA NG ILLEGAL NA DROGA, SINIRA NG NBI

    SINIRA ng gobyerno ang P11 bilyong halaga ng illegal na droga na nasabat ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Marso 15, 2022 sa Infanta, Quezon.     Sinabi ni NBI Director Eric B.Distor na sa memorandum na isinumite ng NBI Forensic Chemistry Division (NBI-FCD), ang P11 bilyong kaso ay isa sa […]

  • JOHN LLOYD, posibleng makasama si MAINE sa isang romcom series; MARIAN, game ding makatambal ang aktor

    KUMALAT ang tsikang posibleng makatatambal ni Marian Rivera si John Lloyd Cruz sa isang romcom series na mala-Korean drama raw ang dating.     Bukas naman si Marian na nilulutong project sa kanila ng GMA Network at napa-’why not?’ pa raw ang Kapuso Primetime Queen.     Pero nabasa rin namin sa twitter na may […]

  • Swedish Armand Duplantis nabasag ang sariling record sa World Championships

    NABASAG ni Armand Duplantis ang kaniyang sariling pole vault world record sa World Championships.     Nagtala ito ng 6.21 meters na record o mas mataas ng isan centimeters sa dating world record nito na ginawa noong Marso sa World Indoor Championships.     Tiyak na ang pagkuha ng Swedish pole vaulter sa kaniyang unang […]