3 sa 4 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12, negatibo; 1 nakaalis na ng bansa
- Published on May 4, 2022
- by @peoplesbalita
NATUKOY na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.
Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang nagpositibo sa omicron subvariant.
Aniya, apat lamang ang nakasama ng Finnish national sa seminar na kanilang dinaluhan sa lungsod ng Baguio.
Tatlo dito ang nakaquarantine na at negatibo na sa COVID-19 habang ang isa naman sa mga close contact ay napaulat na umalis na ng bansa kasama ng Finnish national.
Maaalala na dumating sa bansa ang fully vaccinated na dayuhan mula Finland noong Abril 2. Nagtungo ito sa isang unibersidad sa Quezon City saka bumiyahe patungong Baguio city para magsagawa ng seminars.
Sa isinagawang contact tracing ng local epidemiology and surveillance unit sa baguio, nasa 9 na asymptomatic close contacts ang natukoy, dalawa dito ay negatibo na sa COVID-19.
Matapos makumpleto ang 7 day quarantine at makarekober sa sakit, bumalik ito sa finland noong Abriil 21.
-
Kelot, tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon
TUMIMBUWANG ang duguang katawan ng 24-anyos na kelot matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo sa Malabon City. Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Kenneth Lozada, ng Blk 34, Lot 11, Malipoto St., Brgy. NBBS, Navotas City. Sa report […]
-
Itinodo ang husay at lakas sa tapatan nila ni Buboy: KOKOY, tinanghal na Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man PH’
SINO ang mag-aakala na si Kokoy de Santos na duwag sa mga horror challenges ay siya palang tatanghaling Ultimate Runner sa second season ng ‘Running Man Philippines’? Deserving naman si Kokoy dahil itinodo niya ang kanyang husay at lakas sa sa one-on-one match nila ni Buboy Villar kaya naman siya ang nagwagi. […]
-
Gobyerno, inilaan ang P9.2 billion para sa confi, intel funds sa 2024
TINATAYANG may P9.2 billion ang inilaan para sa confidential at intelligence funds para sa mga ahensiya ng gobyerno para sa fiscal year 2024. “For 2024, the confidential fund — this is across all agencies — is P4.3 billion, and the intel is P4.9 billion, and I think the amount is the same as […]