• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.

 

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina  Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho Sunggye, 56 na inaresto sa kanilang tinutuluyan sa isang subdibisyon sa angeles City, Pampanga.

 

 

 

Sa report nagsagawa ng operation ang mga operatiba ng FSU  upang isilbi ang isang g deportation warrant laban kay Hans dahil sa pagiging wanted sa illegal na droga sa kanilang bansa.

 

 

 

Pero nadatnan din ng FSU sina Yang at Cho sa loob na nang beripikahin sa South Koreans authorities, si Yang ay wanted din sa panloloko sa kanilang bansa

 

 

 

Nabatid na nakapag-isyu ng arrest warrant sa korte ng Korean laban kay Han noong Augut 23, 2018 dahil sapaglabag sanarcotic controlmact.

 

 

 

Samantala si Yang ay may nakabinbin na arrest warrant laban sa kanya na inisyu ng Seoul district court base sa kasong isinampa sa kanya sa paglabag sa panloloko.

 

 

 

Si Cho naman ay wanted ng BI dahil sa kanyang pagiging overstaying at undocumented allied.

 

 

 

Ang tatlo ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa  Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA

Other News
  • Lumalalang health care utilization sa labas ng NCR plus

    HANGGANG ngayon ay wala pa namang nakikita ang Malakanyang na konklusyong apektado na rin ang health care utilization sa labas ng NCR plus.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy ang ginagawa nilang pagbabantay nila sa mga datos at wala pa naman sa gayung estado ang iba pang rehiyon ng bansa.   Ang paglobo […]

  • Political amendment proposals, huwag pansinin

    Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na huwag pansinin ang political amendment proposals ni presidential adviser at ex-senatorial candidate Larry Gadon. “I urge Speaker Romualdez to completely disregard Gadon’s letter (proposing political amendments),” ani Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments. Naniniwala ito na ibabasura din lamang […]

  • Sotto malupit sa arcade game

    TALAGANG buhay niya o nasa dugo niya ang basketball.  Saan man makarating, basketbol pa rin ang hanap ng katawan ni National Basketball Association (NBA) prospect Kai Zahary Sotto. Bukod sa pagiging astig sa hardcourt, naghasik din ng shooting skills ang Pinoy phenom sa basketball arcade game. Ibinahagi ng 18-anyos sa kanyang latest Instagram story na […]