• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 SUGATAN SA SUNOG SA MALABON

SUGATAN ang tatlong katao, kabilang ang isang fire volunteer habang nasa 150 pamilya naman ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential na mga kabahayan sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

 

Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy, bandang alas-3 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuokupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, ng lungsod hanggang sa mabilis na kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

 

Napaulat na wala si Quitlong sa kanyang bahay nang sumiklab ang hindi pa matukoy na pinagmulan ng sunog.
Kaagad inakyat ng BFP ang sunog sa ikaapat na alarma at idineklarang under control dakong alas-4:57 ng madaling araw bago tuluyang naapula alas-6:02 ng umaga kung saan tinatayang nasa P1.5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

 

Dalawang residente sa lugar ang napaulat na nagtamo ng mga sugat at 2nd degree burn sa katawan habang dumanas naman ng heat exhaustion ang isang fire volunteer. (Richard Mesa)

Other News
  • Instant millionaire ang two-time world cham­pion … Cash incentives bumubuhos at Hero’s welcome ng Maynila kay Yulo

    INSTANT millionaire si two-time world cham­pion Carlos Edriel Yulo na matagumpay na nasungkit ang gintong medalya sa men’s floor exercise sa Paris Olympics. Nangunguna na sa listahan ng matatanggap nito ang tumataginting na P10 milyon mula sa gobyerno na ngayon ay naging 20 milyon dahil sa dalawang gintong medalya na kanyang nauwi. Nakasaad sa Under […]

  • Pambihirang internet service, ihahatid ng Starlink sa PH sa lalong madaling panahon

    ANG MABILIS na pag-apruba ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga kinakailangan ng SpaceX-Starlink ay magbibigay-daan sa bansa na tamasahin ang mga pambihirang serbisyo sa internet sa pamamagitan ng Low Earth Orbit (LEO) satellite network constellation na binubuo ng mahigit 1,600 satellite.     Nangangako ang Starlink na maghahatid ng hanggang 200 […]

  • Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

    MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.     Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang […]