• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 TIMBOG SA P1 MILYON SHABU SA NAVOTAS

MAHIGIT P1 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang babae matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

 

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Noraima Esmail, 32, Ma. Clarise Certeza, 23, kapwa (pusher/not listed) at Erickson Veron, 36, (user/not listed) pawang residente ng Tondo Manila.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ng buy bust operation sa kahabaan ng R10 Road., Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon P13,000 halaga ng shabu kay Email at Ceteza.

 

 

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poser-buyer kapalit ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba kasama si Veron na nakuhanan din ng hinihinalang shabu.

 

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 158 grams ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P1,074,400.00, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 12 pirasong P1,000 boodle money, P1,500 cash, kulay grey na body bag, maliit na notebook, at cellphone.

 

 

 

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • OPS, nagpasalamat sa serbisyo ng mga Filipino nurses sa gitna ng pandemya

    PINASALAMATAN ng  Office of the Press Secretary (OPS)  ang mga Filipino nurses sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa naging serbisyo  nito lalo na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.     Ang pahayag na ito ng OPS  na naka-post sa kanilang official Facebook page ay bahagi ng pagbati sa ginagawang pag-obserba ng bansa sa […]

  • GRETCHEN, ipinagtanggol si ATONG sa kumalat na fake ‘quote card’; JANNO, DENNIS at ANDREW, may bago na namang pasabog

    IPINAGTANGGOL ng kilalang socialite-actress na si Gretchen Barretto sa kumalat na fake news tungkol sa businessman at close friend na si Charlie ‘Atong’ Ang.     Ipinagdiinan ni Gretchen na hindi totoo ang kumakalat na quote card ni Atong Ang na parang kinakalaban ang presidential aspirant na si ex-senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na mas […]

  • Glass case sa palibot ng Nazereno, planong lagyan

    PLANO ng bagong Traslacion committee plan na maglagay ng kahong salamin o glass case sa palibot ng 400 taong gulang na imahe ng Itim na Nazareno para sa pagbabalik ng prusisyon sa Enero 9.     Isinasagawa na ang preparasyon dahil sa inaasahang pananabik ng mga deboto makaraang matigil ang Traslacion ng tatlong taon dahil […]