• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 TIMBOG SA SHABU AT BARIL SA CALOOCAN

KULUNGAN ang kinabagsakan ng tatlong katao matapos makuhanan ng shabu at baril sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., Alas-10 ng gabi nang parespondehan ni West Grace Park Police Sub-Station deputy Commander PLT Ronald Allan Soriano sa kanyang mga tauhan ang kanilang natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibidwal na nagsasagawa ng illegal drug

 

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang naturang grupo subalit, nang mapansin ang kanilang presensya ay mabilis na nagtakbuhan ang mga suspek.

 

 

Gayunaman, nagawang madakma ng mga pulis si Orlando Topacio, 40 ng Tondo Manila, at John Michael Cangas, 18 ng DM Compd. Brgy. 73 at nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets na naglalaman ng nasa 3.05 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,740 ang halaga.

 

 

Nauna rito, dakong 3:30 ng hapon nang ipatupad ng mga tauhan ng Caloocan Amparo Police Sub-Station sa pangunguna niu PCPT Jansen Ohrelle Tiglao ang search warrant No. SW- 203 na may petsang February 19, 2021 na inisyu ni Hon. Raymundo G Vallega Executive Judge ng Branch 139 Regional Trial Court Caloocan City para sa paglabag sa R. A 10591 sa Blk 18 Lot 8&9 Miramonte Park Subdivision Brgy. 180 na nagresulta sa pagkakaaresto kay George Adalem gonzales, 44.

 

 

Narekober sa kanya ang isang cal. 38 revolver na kargado ng anim na bala at 45 caliber pistol na may isang magazine at kargado ng limang bala. (Richard Mesa)

Other News
  • ABOITIZ GROUP, nagpahayag ng suporta sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos

    NAGPAHAYAG ng pagsuporta ang private holding company na Aboitiz Group sa infrastructure agenda ng administrasyong Marcos partikular na sa “energy at water solutions development.”     “We’ve had our past and we still have our future and we look forward to align ourselves whole heartedly with President Marcos Jr.’s agenda on infrastructure. We started in […]

  • PBBM, inaprubahan ang pagbawi sa public health emergency status ng Pinas

    “APPROVED IN PRINCIPLE ” ang ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ginawang pagbawi sa public health emergency status ng Pilipinas.     “Yes, actually, this was one of his first instructions to me, to really get out of the COVID pandemic,” ayon kay Herbosa sa  briefing sa Malakanyang nang tanungin kung masigasig ang Pangulo […]

  • Joaquin Phoenix returns Arthur Fleck in Todd Phillips’s Joker: Folie à Deux

    Joaquin Phoenix returns Arthur Fleck in Todd Phillips’s Joker: Folie à Deux  Arthur Fleck will return in Joker: Folie à Deux, and he will bring with him a whole new ensemble. Todd Phillips’s 2019 movie Joker was arguably the year’s biggest lightning rod in cinemas, with significant pre-release debate that the movie’s story of Arthur Fleck (Joaquin Phoenix) […]