• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 tulak arestado sa P400K shabu sa Caloocan

KULONG ang tatlong drug personalities, kabilang ang isang listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

 

Kinilala ni Ditrict Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Dennis Odtuhan ang naarestong suspek na si Arnel Laguit, 38 ng Blk. 37 Lot 9, SRCC Garden Ville , Graceville 4, San Jose, Bulacan.

 

 

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng DDEU ng impormasyon na nagbebenta umano ng shabu ang suspek kaya ikinasa nilang ang buy bust operation sa Quirino Highway Cor. Ascoville, Brgy. 185, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto kay Laguit dakong alas-12:05 ng hating gabi.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P340,000.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, nadakip naman ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ruben Lacuesta sa buy bust operation sa PH8B LOT 42 Bagong Silang Barangay 176, alas-2:50 ng madaling araw sina Divina Ampatin, 45, at Rodolfo Anoba, 47.

 

 

Ani Col. Lacuesta, nakuha sa mga suspek ang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu na may SDP value na P68,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 at siyam pirasong P1,000 boodle monet at coin purse.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr, ang DDEU at Caloocan CPS sa kanilang masigasig na kampanya kontra illegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165. (Richard Mesa)

Other News
  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]

  • Final testing and sealing ng mga VCM sa Israel, naisagawa

    INIULAT ng Philippine Embassy sa Israel na naging matagumpay ang final testing at ang sealing o pagpapatakbo at pagseselyo ng vote counting machines (VCM) na gagamitin sa halalan.     Isinagawa ito bilang paghahanda sa nalalapit na pagsisimula ng overseas absentee voting (OAV) sa darating na Linggo.     Naging bukas naman ito sa mga […]

  • UAAP: Nangunguna ang UST sa men’s table tennis

    Sumandal ang University of Santo Tomas (UST) sa clutch experience ni super senior Alvin Sevilla para talunin ang University of the Philippines (UP), 3-1, at kumpletuhin ang three-tie romp sa Day 1 ng UAAP Season 85 collegiate table tennis tournament , Linggo sa Makati Coliseum.   Samantala, nasungkit ng De La Salle University at Far […]