• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘3 weeks na voter registration extension, aprubado na ng Comelec’

Aprubado na raw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapalawig pa ng voter registration matapos hilingin ng dalawang kapulungan ng Kongreso maging ng ilan nating kababayan na nais magparehistro.

 

 

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas, ang extension ng voter registration ay isasagawa sa Oktubre 9 hanggang Oktubre 31.

 

 

Ang voter registration ay magtatapos na sana bukas Setyembre 30.

 

 

Aniya, ang unang walong araw kasi ng buwan ng Oktubre ay nakalaan na para sa filing ng certificate of candidacy (CoC) para sa mga kandidatong tatakbo sa 2022 national at local elections.

 

 

Kasabay nito, hiniling naman ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga botante na i-dowload ang voter registration form sa website ng Comelec.

 

 

Paliwanag niya, mas mapapadali ang pagrehistro kapag na-download na mismo ng mga botante ang registration form.

 

 

Kapag magpaparehistro, huwag daw kalimutang dalhin ang kanilang valid ID maging ang photocopy nito, ballpen at downloaded forms.

 

 

Samantala, sa pinakahuling datos mula sa Comelec, mahigit 63 million na ang kabuuang botante sa bansa at mahigit limang milyon dito ang mga bagong botante.

Other News
  • ‘Triangle of Sadness’ Premieres at QCinema Ahead of Nov. 30 Nationwide Release

    TBA Studios is bringing the critically acclaimed satirical dark comedy film Triangle of Sadness to the QCinema International Film Festival 2022, premiered as the festival’s opening film last November 17 at Gateway Cineplex in Quezon City.     While the premiere is by invitation, moviegoers can still catch the second screening of Triangle of Sadness […]

  • Ads August 2, 2023

  • SISIHAN DITO SISIHAN DOON

    Ang isyu ng paglobo ng bilang na tinamaan ng “Corona Virus” ay nagbunga ng sisihan sa pagitan ng ilang sector ng mamamayan at pamahalaan.     Ayon sa ilang mamamayan kulang umano ang mga hakbang na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon sa paglaban sa “Corona Virus” na isang taon ng namamayagpag sa ating bayan.     […]