30-K manok sa Pampanga, isinailalim sa culling dahil sa bird flu
- Published on July 31, 2020
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Agriculture na mahigit 30,000 manok sa Central Luzon ang isinailalim sa culling.
Ito ay mtapos na maitala ang avian influenza infection sa isang farm sa bayan ng San Luis sa Pampanga.
Ayon sa ahensya, kaagad na inilibing ang mga kinatay na manok upang sa gayon ay maiwasan na ang pagkalat pa ng bird flu virus, na sinasabing nakakaapekto rin sa mga tao.
Iniuugnay ng DA ang avian flu outbreaks sa ibang bansa sa mga migratory birds, na kadalasang dumadaan din sa Pampanga.
Noong Hulyo 23, inanunsyo ng DA na kontrolado na nila katuwang ang lokal na pamahalaan ng Jaen, Nueva Ecija ang pagkalat ng avian influenza. (Gene Adsiuara)
-
JACKIE CHAN, kaaliw ang pagsi-shake dance at pagsasabi ng ‘Salamat Shopee!’
NI-LAUNCH ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ang pinaka-exciting year-end shopping season na magsisimula sa signature 9.9 Super Shopping Day. At bilang bahagi ng biggest and most action-packed shopping season, winelcome ng Shopee ang international superstar na si Jackie Chan, who will be featured in a range of […]
-
Mataas na employment rate, patunay ng economic momentum
NANINIWALA ang isang kongresista na isang patunay ng economic momentum o pagsipa muli ng ekonomiya ang naitalang pagtaas sa employment rate ng bansa noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon. Sinabi ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, malaking tulong dito ang pagbabalik ng face-to-face activities at consumer spending. Pinaka-positibo […]
-
10,000 bagong COVID-19 cases naitala sa Pilipinas; total 731K
Pumalo na sa lampas 10,000 ang bilang ng naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ayon sa Department of Health (DOH), tinatayang 10,016 ang nadagdag sa COVID-19 cases ng bansa ngayong araw, March 29. Kaya naman umakyat na ang total sa 731,894. “3 labs were not able to submit their data […]