• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

30-minutong ‘heat stroke break’ ipapatupad ng MMDA

MAGPAPATUPAD  ng ‘heat stroke break’ na tatagal ng 30-minuto ang  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa kanilang mga tauhan sa kalsada upang makapagpalamig at makaiwas sa posibleng heat stroke.

 

 

 

Pinirmahan ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ang isang memorandum circular upang muling ipatupad ang heat stroke break para protektahan ang kanilang mga tauhan partikular ang mga nagtatrabaho sa ‘field’ laban sa mga sakit na idudulot ng matinding init ngayong summer.

 

 

 

Nakasaad sa memorandum na uumpisahan ang heat stroke break sa Abril 1 at tatagal hanggang Mayo 31 kung kailan inaasahan na mas titindi pa ang init sa bansa lalo na sa Metro Manila.

 

 

 

“This move is part of the agency’s efforts to prevent heat-related illness among our outdoor workers who brave the searing heat every day to fulfill their duties and responsibilities. Their safety is of paramount importance,” ayon kay Artes.

 

 

 

Sa ilalim ng polisiya, maaaring umalis ng kanilang posts ang mga traffic enforcers at street sweepers ng 30 minuto para sumilong at uminom ng tubig para lumamig ang kanilang katawan bago muling sumabak sa trabaho sa gitna ng init.

 

 

 

Tiniyak naman ng opisyal na palagi pa ring may tauhan nila na magbabantay sa mga kalsada dahil sa magiging ‘rotational’ ang implementasyon nito.

Other News
  • Tagumpay ng QC, iniulat ni Mayor Belmonte sa kanyang ika-6 na SOCA

    IDINAOS ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang ika 6 na State of the City Address (SOCA) ni Mayor Joy Belmonte nitong lunes Oktubre 21, 2024 na ginanap sa Quezon City M.I.C.E Center.     Sa kanyang talumpati, inilahad ni Belmonte ang mga achievement ng lungsod sa ilalim ng kanyang liderato, kanya ring pinapurihan […]

  • Chinese National na may kasong trafficking, naharang

    HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking at pagre-recruit ng mga babaeng Filipina para iligal na magtrabaho sa China.     Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Tong Jialong, […]

  • 2 sa 4 hackers na umatake sa BDO, natunton na ng BSP

    Tuloy-tuloy daw ang pagproseso ng BDO Unibank Inc. sa reimbursement ng nasa 700 nilang kliyente matapos mabiktima ng online fraudulent transactions.     Ayon sa pamunuan ng naturang bangko, hiniling na raw nila sa kanilang mga kliyente na magtungo na sa pinakamalapit na branch at magsumite ng kanilang documentation para sa isasagawang refund.     […]