• April 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300 empleyado ng PAL, tanggal

DAAN-DAANG empleyado ng Philippine Airlines (PAL) ang naapektuhan ng ipinatupad na “business restructuring” ng airline dahil sa epekto ng COVID-19.

 

Ayon sa pahayag ng PAL, nagpatupad sila ng “voluntary separation initiative” para sa matatagal na nilang mga empleyado at nagkaroon din ng “retrenchment process”.

 

Nagresulta ito sa pagka-katanggal sa trabaho ng nasa 300 mga ground-based personnel ng PAL.
Tiniyak naman ng PAL na makatatanggap ng karampatang separation benefits, dagdag na trip pass privilage at tulong gaya ng career counseling ang mga apektadong empleyado.

 

Sinabi ng PAL na makatu-tulong ang ipinatupad na streamlining sa mga nawala o nalugi sa kumpanya bunsod ng mga ipinatupad na travel restrictions at flight suspensions sa mga lugar na apektado ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Joker 2’ First Look Image Reveals Joaquin Phoenix In Arkham Asylum

    TODD Phillips announces that principal photography has begun on Joker: Folie à Deux, revealing the first image of Joaquin Phoenix in Arkham Asylum.     The Joker-verse is moving forward as Warner Bros. Discovery is working on a sequel to the Academy Award-winning DC picture. The first Joker film, set in an Elsewords-like continuity, follows […]

  • Pinas, US, muling sisimulan ang joint patrols sa South China Sea

    MULING magsasanib-puwersa ang Pilipinas at  Estados  Unidos pagdating sa mga  joint naval patrols sa  South China Sea.     Kasunod  ito ng pagbibigay sa Amerika ng mas malawak na access sa mga miltary base ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation  Agreement (EDCA).     “The United States and the Philippines have agreed to […]

  • PBBM sa DSWD: Pakainin, tulungan ang mga biktima ng Severe Tropical Storm Kristine sa Bicol

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin na walang biktima ng Severe Tropical Storm Kristine ang ‘maiiwang gutom.’     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na inatasan ni Pangulong Marcos ang DSWD na palawigin ang agarang financial assistance sa […]