• March 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300 PAMILYA, NASUNUGAN SA BASECO SA MAYNILA

UMABOT sa ika-apat na alarma ang naganap na sunog sa isang residential area sa Baseco  Compound sa Maynila kagabi.

 

 

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa  Manila, umabot na sa mahigit-kumulang isang milyon piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa Block 17 Old Site, Baseco sakop ng Brgy.649

 

 

Nagsimula ang sunog dakong alas-7:00 kamakalawa ng gabi sa dalawang palapag ng bahay  at mabilis na kumalat ang apoy  at agad nadamay ang  mga kalapit na bahay dahil pawang mga gawa  sa mga light materials.

 

 

Nasa tatlong daang pamilya na kasalukuyang nasa Baseco evacuation center .

 

 

Dahil sa laki ng sunog at may mga barko na hindi makaalis sa lugar dahil low tide , ang firefighting unit ng Philippine Coast Guard (PCG) ay tumulong na rin para maapula ang sunog.

 

 

Idineklarang fire under control ang sunog pasado alas 9 ng gabi.

 

 

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa pinagmulan ng sunog. (GENE ADSUARA )

Other News
  • All-Stars babalik sa 2024 NBA season

    ILANG All-Stars at key players ang ina­­asahang magbabalik sa aksyon para sa 2023-24 NBA season na magbubukas sa Oktubre 22.   Kabilang dito sina Kristaps Porzingis ng NBA champions Boston Celtics, Kawhi Leonard ng Los Angeles Clippers at Jimmy Butler ng Miami Heat.   Posibleng ilang buwan pa ang bibilangin bago mu­ling makapaglaro ang 7-foot-2 […]

  • PBBM, ipinag-utos ang mapayapang resolusyon ng maritime dispute – NMC

      NANANATILI ang posisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang mapayapang resolusyon sa pinagtatalunang katubigan, kabilang na ang West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng pinakabagong agresyon ng Escoda Shoal.   “As directed by the President, the Philippines will fully utilize and continue to pursue diplomatic channels and mechanisms under the rules-based […]

  • ‘Sports Summit 2021 napapanahon upang pag-usapan ang hamon sa mga atleta’

    Binuksan ngayon ang National Sports Summit 2021 na naglalayong makabalangkas ng mga polisiya para sa mga atletang Pinoy sa panahon ng pandemya.     Ang summit ay ginaganap anim na buwan bago naman ang Tokyo Olympics kung saan hanggang sa ngayon ay pangarap pa rin ng Pilipinas ang kahit isang gold medal sa Olimpiyada.   […]