3,000 DAYUHAN, PINAUWI
- Published on January 28, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT sa 3,000 na mga dayuhan ang pinabalik sa kanilang bansa noong nakaraang taon dahil sa paglabag ng Philippine Imigration Law, ayon sa Bureau of immigration.
Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, na naguna sa listahan ang Chinese na 3,219 noong 2020, sumunod ang Vietnamese ( 60) habang 40 ang Koreans, 25 ang mga Americans, 20 ang Japanese, 12 ang Indians, at Pakistanis (5).
BI Commissioner Jaime Morente disclosed that Chinese deportees, who totaled 3,009, comprised the bulk of the 3,219 aliens who were sent out in 2020.
“Deported aliens are automatically placed in our blacklist, and are banned from re-entering the Philippines,” ayon kay Morente.
Sinabi nito na karamihan sa mga pinabalik na mga dayuhan ay inaresto dahil sa walang working permit, involvement in unauthorized online gaming operations, telecommunications fraud, economic crimes, investment scams, at cybercrime activities.
“We have arrested big batches of aliens in the past years through joint operations of BI operatives with other local law enforcement agencies,” dagga pa ni Morente.
Ipinaliwanag ng BI Chief na dahil na nangyaring pandemic ang bilang ay bumaba noong nakaraang taon kumpara sa mahigit na 6,000 na pinaalis noong 2019. “This was a result of travel restrictions imposed by the government, wherein very little number of aliens were able to enter the country,” ayon pa sa BI Chief. (Gene Adsuara)
-
No.2 sa Top 10 drug personalities ng NPD, timbog
ARESTADO ang pangalawa sa Top 10 drug per- sonalities ng Northern Police District matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong suspek na si Aisiah Kervin Ko, alyas Aivin […]
-
Rep. Arnulfo Teves sinuspinde ng 60-araw ng Kamara
PINATAWAN ng 60-araw na suspension si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves dahil sa pagliban sa session ng House of Representatives. Umabot sa 292 na mga mambabatas ang bumoto na pumabor sa ulat ng House committee on ethics and previleges dahil sa hindi nito pagpasok kahit natapos na ang kaniyang authority to […]
-
PDu30, atras sa pagtakbo bilang bise-presidente kapag tumakbo si Mayor Sara sa Eleksyon 2022
KINUMPIRMA at nagbigay linaw ang Malakanyang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People kagabi na kung tatakbo si Davao City Mayor Sara Duterte ay hindi siya tatakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022. “Lilinawin ko lang po na kagabi nagsalita ang presidente ang sabi niya kung tatakbo si […]