• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

300K leak pipes, naayos ng Maynilad

Umaabot na sa halos 300,000 ng leak pipes ang naayos ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula nang pangasiwaan ng kompanya ang pagsusuplay ng tubig sa west zone area mula 2007.

 

 

Ito ay matapos makumpleto ng Maynilad ang may  22,500 pipe leaks noong 2020 at dahil dito nabawasan ang pagtagas ng tubig na nasasayang dahil sa sirang mga tubo.

 

 

Ang Manuel V. Pangilinan-led water company  ay naglaan ng may P189 million noong 2020 lamang para maisaayos ang mga  pipe leaks na karamihan ay secondary at primary lines sa Quezon City, Parañaque, at Muntinlupa.

 

 

Ilan sa mga nadiskubreng  leaks ay hindi visible aboveground at nangailangan pa  ang kompanya ng paggamit sa state-of-the-art technology tulad ng Sahara® mobile leak detection system para madiskubre ang wasak na tubo ng tubig bago mai-repair.

 

 

Ang  Sahara® system  ay nadedetect ang  leaks, naaayos ang  trapped gas at  structural defects sa linya ng tubig.

 

 

“Notwithstanding pandemic-related restrictions, we continue to deploy field personnel to sustain our leak detection and repair activities. The more leaks we are able to repair, the more we can improve water pressure in the pipelines,” sabi ni  Maynilad Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado.

 

 

Sa ngayon ang Maynilad ay nagsusuplay ng malinis na tubig sa may 9.8 million katao  sa ibat ibang bahagi ng Metro Manila at karatig lalawigan.

Other News
  • Ads November 22, 2023

  • NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mananatili sa ECQ hanggang Abril 4, 2021.

    MANANATILI sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) classification ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal hanggang Abril 4, 2021.   Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk To The People, Lunes ng gabi na ang Santiago City ay isinailalim niya sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) simula Abril 1 […]

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, wagi ng ginto sa FIABCI’s National and World Prix d’Excellence Awards

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nasungkit ng “Farmers/Fisherfolks Training Center” ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang gintong tropeo bilang 2022 Outstanding LGU Project – Public Infrastructure Category sa ginanap na FIABCI-Philippines Property and Real Estate Excellence Awards kamakailan sa Mindanao Ballroom, Sofitel Philippine Plaza Hotel sa CCP Complex, Roxas Boulevard, Lungsod ng Pasay, Maynila.     […]