3,314 Bulakenyong estudyante, tumanggap ng pinansyal na ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
- Published on July 9, 2020
- by @peoplesbalita
Nagkaloob ng pinansyal na tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial Administrator’s Office para sa edukasyon ng 3,314 kuwalipikadong Bulakenyong estudyante.
“Sinisikap po natin na maipagkaloob ang tulong pinansiyal sa ating mga qualified at deserving na estudyante sa kabila ng kinakaharap natin na pandemya dahil batid po ng inyong lingkod na malaking tulong ito para matupad ang kanilang mga pangarap. Tulad ni Jose Rizal, naniniwala po ako na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan,” ani Fernando.
Sa ilalim ng scholarship program na tinawag na ‘Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo’, nakapagpamahagi na ang PA’s Office ng pinansiyal na tulong sa mga benepisyaryo na naka-enroll sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo gayundin sa mga estudyante na kumukuha ng masters degree.
Tumanggap ang may 3,092 na estudyante na naka-enroll sa pribadong unibersidad at kolehiyo ng tig-P3,500 habang tig-P5,000 naman ang naiuwi ng 209 na estudyante na kumkuha ng masteral. Gayundin, 13 estudyante na may academic awards ang pinagkalooban ng tig-P5,500 bawat isa.
Samantala, sinabi ni Catherine Innocencio, executive assistant III, na kasalukuyan pa rin silang namamahagi ng ayuda sa mga kuwalipikadong estudyante sa senior high school at sa mga naka-enroll sa state universities at colleges kabilang ang Bulacan Polytechnic College and Bulacan State University.
Aniya, simula Hunyo 16 ngayong taon, tuluy-tuloy ang pamamahagi nila ng tseke sa 300 benepisyaryo kada araw sa iba’t ibang lugar. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads March 12, 2022
-
KC, quiet lang sa isyu pero dawit dahil isa sa naki-party na in-organize ni TIM
KAHIT na nagpaliwanag na ang socialite at businessman na si Tim Yap sa ginawa niyang party sa Baguio City, tila mas dumarami ang haters niya. Huwag raw kasing gawing excuse ni Tim na porke’t nakapag-swab at negative ito, may right na mag-party at mag-organize ng mass gathering. Maraming nagagalit na mga […]
-
Pinas, hindi isusuko ang teritoryo- PBBM
HINDI isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito. Ito ang tiniyak at binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahit pa maliliit ang puwersa ng Pilipinas kumpara sa mga “those encountered in the West Philippine Sea.” Sa kanyang pagsasalita sa Western Command of the Armed Forces of the Philippines sa Palawan, malugod na […]