34 heat-related illness, 6 patay naitala ng DOH
- Published on April 24, 2024
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar.
Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang.
Ang mga pasyente ay mula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccsksargen.
Sa naturang bilang, anim katao na umano ang iniulat na nasawi ngunit biniberipika pa ang dahilan ng kanilang kamatayan.
“The most number of heat related illnesses in recent years was recorded at 513 in the year 2023,” wika pa nito.
Nabatid na ang heat index ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao.
Ito ay iba umano sa aktwal na temperatura ng hangin. Nasusukat ito sa pamamagitan ng humidity at air temperature.
-
59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd
Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes. Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH). Paliwanag ng DepEd, […]
-
Private at public, walang pasok sa Maynila ng isang linggo
IDINEKLARA na walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa Maynila sa gitna ng banta ng COVID-19. Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa kanyang Special Report, na kasalukuyang nasa London ngayon na inadopt na rin ng pamahalaang lungsod ang state of public health emergency base sa deklarasyon […]
-
PBBM, nais na gawing ‘perpektong turismo’ ang Pinas, entertainment destination
COMMITTED si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang Pilipinas bilang ‘premier destination’ para sa turismo, relaxation, at entertainment, na naka-ayon sa pananaw ng Bagong Pilipinas. Sa naging talumpati ng Pangulo sa inagurasyon ng Solaire Resort North sa Bagong Pag-asa, Quezon City, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na nakagawa ng ‘impressive recovery’ ang […]