36 DAYUHAN, INARESTO SA ILLEGAL GAMBLING
- Published on April 22, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang 36 banyaga sa isang malaking pagsalakay sa illegal online gambling companya sa Double Dragon Plaza Tower 3 sa Pasay City.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nagsagawa ng imbestigasyon matapos makatanggap ang bureau ng ulat hinggil sa mga dayuhan na nagtratrabaho nang walang kaukulang permit sa lugar.
“We coordinated with PAGCOR and verified that this company is unlicensed and has no authority to operate,” pahayag ni Morente.
Napag-alaman na ang nasabing kumpanya ay walang otoridad na mag-operate at hindi nag-aplay ng lisensya sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na isang kailangan para sa mga online gaming company upang makapag-operate sa bansa.
Ayon naman kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan, Jr. na ang nasabing kumpanya ay nadiskubreng sangkot sa illegal live studio gaming kung saan ang mga operatos at management ay binubuo karamihan ng mga Korean national.
“Apart from the live studio, they were also conducting illegal and clandestine online gaming operations,” ayon kay Manahan.
Ang mga naarestong dayuhan ay walang mga visa at mga dokumento.
“We initially rounded up 40 individuals, but found 4 of them to be sufficiently documented, being permanent residents in the country,” ayon pa kay Manahan.
“However, the other 36 were unable to present their passports and visas, and were caught in the act of working illegally,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga naaresto ang 31 lalaki, 5 babae .
Dalawa sa kanila ang Chinese, 2 Indonesian at 32 ang Korean national.
Pansamantalang nakadetine sa BI’s Warden Facility sa Bicutan, Taguig ang mga banyaga habang hinihintay ang resulta ng kanilang RT-PCR.
Muli naming nagbabala si Morente sa mga illegal aliens na huwag panamantala sa pandemya para gumawa ng iligal na aktibidad sa bansa.
“We call on all foreigners to legalize your stay,” ayon sa opisyal.
“Do not take advantage of the pandemic, because despite the challenges, our work never stops, and we will continue to arrest, deport, and blacklist any alien who dare disobey our laws,” babala pa ng BI Commissioner. (GENE ADSUARA)
-
Kasalang LUIS at JESSY, pinilit maging sikreto pero lumabas pa rin at maraming nakahula
SA totoo lang, hindi na kami nagulat at tingin din namin, sampu ng netizens na isang buwan na palang kasal sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Gaano man nila pinilit na maging pribado at sikreto ito na ginanap sa The Farm at San Benito noong February 21 ng taong ito, may lumabas pa […]
-
Dahil punum-puno ang schedule this year: BEA, piniling mag-backout na lang sa first movie nila ni ALDEN
NAKALULUNGKOT dahil hindi na matutuloy ang pagtatambal nina Bea Alonzo at Alden Richards sa ‘A Special Memory’. Pinili nga ng aktres na mag-backout na lang sa dapat sana ay una nilang pagtatambal sa pelikula ni Alden Richards dahil punum-puno ang schedule niya this year. Sa official statement mula sa management ni Bea… […]
-
A cure at the cost of humanity. “Love You as the World Ends” takes audiences to the heart of the apocalypse
Humanity is at the brink of destruction, and the cure might entail the ultimate cost. Love You as the World Ends follows a group of survivors fighting for their lives and their loved ones as the Golem virus turns the majority of the human race into rabid zombies. Watch the trailer […]