37 na Chinese na nagtatrabaho sa construction site, inaresto
- Published on November 19, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa 37 na mga Chinese national na nagtatrabaho sa isang construction site sa Cotabato City sa Mindanao ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI).
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mga Chinese national ay nakitang nagtatrabaho sa isang construction sa isang mall sa Bagsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sila ay inaresto sa bisa ng mission order na inisyu ni Viado makaraang nakatanggap ng impormasyon mula sa government intelligence sources na ang itinatayong construction building ay mga dayuhan ang nagtatrabaho.
Isinagawa ang operasyon sa pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines, the National Bureau of Investigation, at Philippine Army.
Karamihan sa mga naaresto ay may working visa subalit naka-petisyon ito na siang paglabg habang ang iba ay tourist visa.
Nagbabala si Viado sa mga dayuhan na nagtatangkang magtrabaho sa bansa na walang visa o permits.
Lahat ng 37 na mga dayuhan ay nahaharap sa deportasyon at mnanatili sa kustodiya ng BI habang inaayos ang kanilang deportasyon. GENE ADSUARA
-
Sa pinag-uusapang balita na nabuntis si AJ… ALJUR, mahirap maging jowa at ka-bonding ayon kay RR
PINANGATAWANAN na talaga at ini-enjoy ni RR Enriquez ang pagiging sawsawera sa mga isyu sa showbiz, kaya naman inaabangan na rin ng mga netizens ang kanyang opinyon. Ang latest ay nakisawsaw siya sa isyu na nabuntis daw ni Aljur Abrenica ang girlfriend si AJ Raval. Na hanggang ngayon ay pareho pa ring nananahimik at […]
-
4 kulong sa cara y cruz at shabu sa Valenzuela
SA kulungan ang bagsak ng apat katao matapos madakma ng pulisya sa magkahilay na anti-ilegal gambling operation at makuhanan pa ng droga ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City. Sa ulat ni P/MSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang Police Sub-Station 8 mula sa isang concerned citizen hinggil […]
-
Catriona, nagpasalamat at nagbigay ng suporta: PIA, labis na nanghinayang na ‘di nakapasok sa Top 5 si MICHELLE
LABIS na nanghihinayang si Miss Universe 2015 Pia Wirtzbach na nalaglag sa Top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Marquez Dee sa katatapos na 72nd Miss Universe na ginanap sa El Salvador Ang Top 5 finalists pa naman ng beauty pageant makikilatis ang galing ng mga kandidata sa question-and-answer portion. […]