• April 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

 

 

Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.

 

 

Bumaba naman sa 8% noong December 2023 ang nagsabing hindi gaganda ang ekonomiya mula sa 14% noong October 2023.

 

 

Sa naturang survey, may 51% ang nagsabi na mananatiling pareho ang lagay ng ekonomiya at tatlong porsyento ang nagsabi na hindi alam.

 

 

Sa socioeconomic classes, 51% sa Class ABC ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya.

 

 

Nasa 12% sa Class E ang nagsabi na hindi ito gaganda.

 

 

Nasa 49% naman ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan habang 45% ang nagsabi na mananatili sa kasalukuyan ang lagay ng kanilang buhay.

 

 

Nasa apat na porsyento ang nagsabi na lalong lalala ang lagay ng kanilang buhay.

Other News
  • Nag-translate sa ilang eksena sa bagong serye: YASMIEN, napakinabangan ang kaalaman sa Arabic language

    NAPAKINABANGAN ni Yasmien Kurdi ang kaalaman niya sa Arabic language sa bago niyang teleserye na ‘The Missing Husband’.     Marunong si Yasmien ng Arabic words dahil matagal siyang nanirahan noon sa Middle East kasama ang kanyang ama na isang muslim.     At dahil dito ay siya ang nag-translate ng Arabic words na parte […]

  • Mga prison camp ng Bureau of Corrections, zero case na sa COVID 19

    ZERO case na o wala ni isa mang preso sa alinmang prison camp ng Bureau of Corrections ang mayroon pang COVID-19.   Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Bureau of Corrections spokesperson Assistant Secretary Gabriel Chaclag na zero COVID case na mayroon ang kanilang ahensiya.   Iyon nga lamang, may dalawa sa kanilang personnel […]

  • PBBM, tiniyak sa mga Cebuano ang patuloy na suporta mula sa gobyerno, tutuparin ang campaign promises

    PATULOY na magbibigay ng suporta ang administrasyon sa  mga Cebuano para makamit ang “development at economic prosperity” para sa buong bansa.     Sa naging talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV) sa Cebu City, sinabi ng Pangulo na pangangasiwaan ng kanyang administrasyon ang  implementasyon ng […]