• June 23, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

38 porsyentong Pinoy tiwalang gaganda ekonomiya ng bansa – OCTA

NANINIWALA ang 38% ng mga adult Filipinos na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na anim na buwan.

 

 

Base sa non-commissioned survey ng OCTA Research na ginawa noong Disyembre 2023, ang 38% ay mas mataas sa 27% na nagsabing gaganda ang ekonomiya noong October 2023.

 

 

Bumaba naman sa 8% noong December 2023 ang nagsabing hindi gaganda ang ekonomiya mula sa 14% noong October 2023.

 

 

Sa naturang survey, may 51% ang nagsabi na mananatiling pareho ang lagay ng ekonomiya at tatlong porsyento ang nagsabi na hindi alam.

 

 

Sa socioeconomic classes, 51% sa Class ABC ang nagsabi na gaganda ang ekonomiya.

 

 

Nasa 12% sa Class E ang nagsabi na hindi ito gaganda.

 

 

Nasa 49% naman ang nagsabi na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na anim na buwan habang 45% ang nagsabi na mananatili sa kasalukuyan ang lagay ng kanilang buhay.

 

 

Nasa apat na porsyento ang nagsabi na lalong lalala ang lagay ng kanilang buhay.