• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

38K doses ng AstraZeneca vaccines mula COVAX, dumating na sa Pilipinas

Dumating na sa Pilipinas ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccine na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca nitong Linggo.

 

 

Alas-6:44 nitong gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na may dala sa ikalawang batch ng bakuna mula inisyatibo ng World Health Organization (WHO).

 

 

Ang 38,400 doses ang kukumpleto sa 525,600 doses na unang alokasyon ng COVAX facility para sa Pilipinas.

 

 

Kung maaalala, noong Huwebes, March 4, nang unang dumating ang 478,200 doses ng AstraZeneca vaccines.

 

 

“Itong pinangako sa ating first tranche na 525,600, itong (38,400) yung naiwan kasi commercial flight ito. Yun lang ang magkakasya sa cargo bay (487,200),” ani Vaccine czar Carlito Galvez.

 

 

“Ito yung kakulangan (38,400),” dagdag ng opisyal.

 

 

Una nang sinabi ni Galvez na hindi na sasalubungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng ikalawang batch ng mga bakuna. Makakasama na lang niya si National Task Force against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon.

 

 

Una nang sinabi ng WHO na 4.5-million doses ng British-Swedish vaccine ang inaasahang makakarating sa bansa hanggang sa buwan ng Mayo. (Daris Jose)

Other News
  • DILG magpapalabas ng guidelines ukol sa pre-campaign period activities

    MAGPAPALABAS ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng guidelines sa local government units (LGUs) hinggil sa mga aktibidad ng electoral candidates bago pa magsimula ang campaign period sa Pebrero ng susunod na taon.   “Ako mismo maglalabas ako ng guidelines para sa mga LGUs ano ‘yung mga panuntunan kapag may caravan at […]

  • Dagdag na mahigit 1.8-M doses na Pfizer vaccines dumating sa bansa

    Nakatanggap ang bansa ng karagdagang 1,813,500 doses COVID-19 vaccine mula sa Pfizer.     Ang nasabing bakuna ay bahagi ng binili ng gobyerno mula sa COVAX facility nitong Linggo ng umaga.     Sa kabuuan ay mayroon ng 16.63 million doses na Pfizer ang natanggap ng bansa.     Sa nasabing bilang ay 10.63 million […]

  • Ads December 14, 2023