39, nagpositibo sa COVID sa Senado; 168, naka-quarantine
- Published on September 4, 2021
- by @peoplesbalita
Balik muna sa online ang karamihang aktibidad ng Senado.
Kasunod yan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasa 39 na staff ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Maliban dito, may 168 na iba pang naka-quarantine makaraang ma-expose sa mga kasamahang infected ng nasabing sakit.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, naghain ng rekomindasyon ang Medical-Dental Bureau (MDB) na mula sa 50 percent na pumupunta ng personal, gawin muna itong 25 percent.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mahahalagang function ng Senado, kasama na ang hearings at paghimay sa 2022 P5.024 trillion proposed national budget. (Daris Jose)
-
Tatlong criminal case for cyber libel: BEA, nagsampa ng kaso laban kina CRISTY at OGIE
NAGSAMPA ng kaso ang Kapuso actress na si Bea Alonzo laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama ang mga co-host sa kani-kanilang online programs. Ayon sa FB post ni Nelson Canlas’ naghain ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel si Bea sa […]
-
Kidnappers ng Chinese student, nabibilang sa POGO ‘muscle group’ — PAOCC
SINABI ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na ang mga kidnapper ng Chinese student ay di umano’y nabibilang sa “muscle group” ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). “Muscle group po yan but, of course, tinitingnan pa rin yan, ine-imbestigahan yan. Syempre iche-check pa ‘yung mga involved,” ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz sa […]
-
DOJ SPOX, nagbitiw
DAHIL umano sa “serious reasons” kaya nagdesisyong magbitiw sa puwesto si Justice Usec. Markk Perete. Sa mensahe ni Perete sa media ngayong umaga, nagsumite na siya ng resignation sa Department of Justice o DOJ at ito ay epektibo umano ngayong araw. Wala namang iba pang detalyeng ibinahagi ni Parete hinggil sa kanyang resignation. […]