39 NSAs sigurado ang pondo para sa SEAG
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Maghihigpit ng sinturon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga National Sports Associations (NSAs).
Sa ngayon, tanging 39 NSAs lamang ang inaprubahan ng PSC na makatatanggap ng pondo mula sa government sports agency.
Ito ay ang mga NSAs na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi Vietnam.
Nangunguna sa listahan ang athletics, arnis at dance sport na humakot ng gintong medalya sa nakalipas na SEA Games na ginanap sa Pilipinas.
Bagama’t hindi kasama ang arnis sa Vietnam SEA Games, kasama ito sa popondohan ng PSC dahil ito ang national sport ng bansa.
Pasok din ang boxing, gymnastics at weightlifting na pare-parehong may pambato sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo sa Japan.
Ipaparada ng boxing sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno habang aariba rin si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.
Isang torneo na lamang ang kailangang puntahan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz – ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan – para makapasok sa Tokyo Olympics.
Kwalipikado na rin si SEA Games record-holder EJ Obiena na mula sa athletics.
Maliban sa mga nabanggit na sports, nasa listahan din ng PSC ang aquatics, taekwondo, fencing, wushu, chess, canoe-kayak, basketball, volleyball, football, handball, triathlon, esports, judo, pencak silat, shooting, karate, rowing, wrestling, kickboxing, muay thai, bodybuilding, billiards and snooker, tennis, golf, archery, badminton, bowling, jiu-jitsu, sepak takraw, vovinam, fin swimming, cycling at table tennis.
Sariling gastos ang magiging sitwasyon ng mga hindi nakasama sa 39.
Ngunit hindi naman dapat mawalan ng pag-asa ang mga NSAs na hindi nabanggit dahil posible silang madagdag sa listahan sa oras na muling magsagawa ng review ang PSC.
-
First Pinoy endorser ng sikat na eyewear: DINGDONG, proud sa bagong endorsement at nakikita ang billboard sa Times Square
PROUD si Dingdong Dantes dahil sa kanyang bagong endorsement. Bakit nga ba hindi, ‘di-hamak na institusyon ng matatawag at may legacy na ang bagong endorsement sa buong mundo, ang Police eyewear. At isang malaking karangalan nga rito na sa Pilipinas, si Dingdong ang kauna-unahang Pinoy na kinuha bilang celebrity endorser nito. Ang naging Instagram post […]
-
NEW VIGNETTE FOR “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” CELEBRATES WHITNEY
“THE most challenging part of portraying Whitney Houston is…portraying Whitney Houston,” says Naomi Ackie, star of Columbia Pictures’ I Wanna Dance with Somebody. Check out the new vignette below titled “Celebrating Whitney Houston” and watch I Wanna Dance with Somebody exclusively in cinemas across the Philippines January 08, 2023. YouTube: https://youtu.be/yR5SZtD1hrY About I […]
-
Opisyal ng MSU nagpasaklolo sa Supreme Court
NAGPASAKLOLO sa Supreme Court ang mga opisyal ng Mindanao State University matapos silang utusan ng Legal Education Board na itigil na ang kanilang College of Law . Sa kanilang petisyon, hirit ng nasabing unibersidad sa Korte na maglabas ng Temporary Restraining Order at permanent injunction . Sinabi ng mga opisyal ng unibersidad […]