39 NSAs sigurado ang pondo para sa SEAG
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Maghihigpit ng sinturon ang Philippine Sports Commission (PSC) sa paglalabas ng pondo para sa mga National Sports Associations (NSAs).
Sa ngayon, tanging 39 NSAs lamang ang inaprubahan ng PSC na makatatanggap ng pondo mula sa government sports agency.
Ito ay ang mga NSAs na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi Vietnam.
Nangunguna sa listahan ang athletics, arnis at dance sport na humakot ng gintong medalya sa nakalipas na SEA Games na ginanap sa Pilipinas.
Bagama’t hindi kasama ang arnis sa Vietnam SEA Games, kasama ito sa popondohan ng PSC dahil ito ang national sport ng bansa.
Pasok din ang boxing, gymnastics at weightlifting na pare-parehong may pambato sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo sa Japan.
Ipaparada ng boxing sina Eumir Felix Marcial at Irish Magno habang aariba rin si world champion Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.
Isang torneo na lamang ang kailangang puntahan ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz – ang Asian Weightlifting Championship sa Uzbekistan – para makapasok sa Tokyo Olympics.
Kwalipikado na rin si SEA Games record-holder EJ Obiena na mula sa athletics.
Maliban sa mga nabanggit na sports, nasa listahan din ng PSC ang aquatics, taekwondo, fencing, wushu, chess, canoe-kayak, basketball, volleyball, football, handball, triathlon, esports, judo, pencak silat, shooting, karate, rowing, wrestling, kickboxing, muay thai, bodybuilding, billiards and snooker, tennis, golf, archery, badminton, bowling, jiu-jitsu, sepak takraw, vovinam, fin swimming, cycling at table tennis.
Sariling gastos ang magiging sitwasyon ng mga hindi nakasama sa 39.
Ngunit hindi naman dapat mawalan ng pag-asa ang mga NSAs na hindi nabanggit dahil posible silang madagdag sa listahan sa oras na muling magsagawa ng review ang PSC.
-
Dingdong, muling ni-reveal ang ‘gift for music’ ni Zia
PINASILIP ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang IG post noong October 1 ang evening routine nila ni Zia. Muling ni-reveal ni Dingdong ang ‘gift for music’ ni Zia nang kantahin nito at i-strum sa gitara ang 1961 hit ni Ben E. King na “Stand By Me.” Post ng lead star ng […]
-
PDP-Laban exec Evardone, inendorso ang presidential bid ni Leni Robredo
INENDORSO ng isang mataas na opisyal ng ruling party PDP-Laban, araw ng Lunes ang presidential candidacy ni Vice President Leni Robredo base sa kuwalipikasyon na itinakda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte for para maging successor nito. Naniniwala si Eastern Samar Governor Ben Evardone, nagsisilbi bilang PDP-Laban vice president for the Visayas, “virtually” ay […]
-
Guce sumalo sa ika-25 posisyon, binulsa P91K
WINAKASAN ni Clarissmon ‘Clariss’ Guce ang kampanya sa even-par 72 upang mag-three-day aggregate six-under par 210 upang humilera sa triple-tie 25th spot na may $2,049 (P98K) each sa 16th Symetra Tour 2021 9th leg $200K 10th Island Resort Championship finals sa Sweetgrass Golf Club sa Harris, Michigan noong Lunes. Malamig na laro ito […]