• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3×3 Manila nasa Doha na

Dumating na sa Doha, Qatar ang 3×3 Manila squad para sa prestihiyosong FIBA 3×3 World Tour – Doha Masters na aarangkada sa Nobyembre 20 hanggang 21.

 

Nakaabot sa deadline sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan dahil Nobyembre 16 ang huling araw ng itinakdang petsa ng FIBA para makapasok sa bubble.

 

Naantala ang pag-alis ng 3×3 Manila dahil sa problema sa visa.

 

Anim na oras bago umalis ang tropa, saka lamang dumating ang visa kaya’t malaki ang pasasalamat ng koponan sa lahat ng tumulong sa pag-asikaso ng kanilang dokumento.

 

Sasailalim sa matin­ding health protocols ang koponan kung saan naka-quarantine ito sa hotel habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

 

Wala pang inilalabas na groupings ang FIBA dahil posibleng mabawasan pa ng bilang ang mga kalahok sa edisyong ito sakaling may magpositibong mi­yembro ng isang team.

 

Hahawakan ang tropa ni dating University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.

Other News
  • Ads August 20, 2022

  • Pope Francis muling ipinagdasal ang mga kaguluhan sa Ukraine

    PINANGUNAHAN ni Pope Francis ang pagdarasal para sa kapayapaan sa Ukraine.     Sa kanyang lingguhang Angelus prayer sa St. Peters’ Square sa Vatican, sinabi nito na lubhang nakakabahala ang mga pangyayari sa Ukraine.     Nanawagan ito sa mga pulitiko doon na dapat maging prioridad ang kapayapaan para sa kapakanan ng kanilang mamamayan.   […]

  • Malakanyang, no comment pa kung dadalo si Pangulong Duterte sa proclamation rally ni Mayor Sarah Duterte- Carpio

    SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na aalamin muna niya ang mga nakalinyang aktibidad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong, Pebrero 8.     Ito’y upang malaman kung kasama ba sa itinerary ng Chief Executive ang pagdalo para sa proclamation rally ng anak niyang si Davao city Mayor Sarah Duterte – […]