• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3×3 Manila nasa Doha na

Dumating na sa Doha, Qatar ang 3×3 Manila squad para sa prestihiyosong FIBA 3×3 World Tour – Doha Masters na aarangkada sa Nobyembre 20 hanggang 21.

 

Nakaabot sa deadline sina Joshua Munzon, Alvin Pasaol, Troy Rike at Santi Santillan dahil Nobyembre 16 ang huling araw ng itinakdang petsa ng FIBA para makapasok sa bubble.

 

Naantala ang pag-alis ng 3×3 Manila dahil sa problema sa visa.

 

Anim na oras bago umalis ang tropa, saka lamang dumating ang visa kaya’t malaki ang pasasalamat ng koponan sa lahat ng tumulong sa pag-asikaso ng kanilang dokumento.

 

Sasailalim sa matin­ding health protocols ang koponan kung saan naka-quarantine ito sa hotel habang hinihintay ang resulta ng kanilang swab test.

 

Wala pang inilalabas na groupings ang FIBA dahil posibleng mabawasan pa ng bilang ang mga kalahok sa edisyong ito sakaling may magpositibong mi­yembro ng isang team.

 

Hahawakan ang tropa ni dating University of Santo Tomas head coach Aldin Ayo.

Other News
  • Travel ban sa Macau at HK, ‘partially lifted’ na

    Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.   Ito ang inanunsyo ni Sec. Panelo sa matapos makausap si Health Sec. Francisco Duque III.   Ayon kay Panelo, nagdesisyon ang Inter-agency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong […]

  • 2 BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA MALABON

    DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.     Ayon kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, dakong ala-6 ng umaga nang makita ng ilang nagja-joging ang bangkay ni Ernesto Francisco Jr, 29 ng 27 Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, […]

  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]