4.4 milyong Pinoy makikinabang sa P106 bilyong 4Ps funds
- Published on March 1, 2024
- by @peoplesbalita
HIGIT 4.4 milyong pamilyang Filipino ang makikinabang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ngayon taon.
Sinabi ni Budget Sec. Amenah Pangandaman na ?106.335 bilyon ang inilaan sa 4Ps na mas malaki kumpara noong 2023 na P102.610 bilyon.
Sakop ng nasabing alokasyon ang mga ayuda para sa kalusugan na nagkakahalaga ng ?750 bawat buwan at ?600 bawat buwan bilang mga subsidiya sa bigas para sa 4.4 milyong pamilya.
Sakop din nito ang mga subsidiya sa edukasyon na nagkakaiba mula P300-700 bawat buwan para sa mahigit 7 milyong mag-aaral.
Matatandaan na sa State of the Nation Address (SONA), inatasan ng Pangulo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiyakin na ang mga karapat-dapat lamang na pamilya ang kasali sa 4Ps program.
Bukod pa dito, nangako ang Pangulo ng iba’t ibang mga hakbang kabilang ang pagpapalakas ng mga programa ng tulong at pagtitiyak ng sapat na budget para sa mga mahihirap na sektor.
Ang 4Ps ay isang strategy ng pamahalaan sa pagbabawas ng kahirapan at isang programa ng pamumuhunan sa human capital na nagbibigay ng kondisyonal na cash transfers sa mga higit na nangangailangang pamilya sa loob ng pinakamataas na pitong taon, upang mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18.
-
PBA players at staff naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19
Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bakunahan laban sa COVID-19 ang mga malalaro at staff ng Philippine Basketball Association (PBA). Isinagawa ang pagtuturok ng Sinovac vaccine sa MMDA vaccination facility sa lungsod ng Makati. Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na labis na naapektuhan ang mga manggagawa at […]
-
Kelot nagbigti dahil sa depresyon
Isang lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti dahil sa depresyon sanhi umano ng pagkakaroon ng broken family sa Malabon city. Kinilala ang biktima na si Jomar Urbano, 24, ng No. 8 Mabolo Road, Brgy. Potrero. Ayon kay Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/Cpl. Renz Marlon Baniqued, dakong […]
-
Eduard Folayang umalis na sa Team Lakay
Nagpasya si Pinoy mixed martial arts Eduard Folayang na umalis na sa TEam Lakay. Sa kaniyang social media ay kinumpirma ang pag-alis na sa nasabing grupo matapos ang 16 na taon. Pinasalamatan ng dating two-time ONE lightweight champion ang kaniyang partnership sa Benguet-based MMA gym ganun din sa founder at dating coach nito […]