• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4.5-M Pinoys na nakapagbukas ng bank account gamit ang national ID

Nasa 4.5 million ang bilang ng mga Pinoy na nakapagbukas ng “bank account” gamit ang national ID.

 

 

Malaking tulong aniya ang national ID upang tugunan ang financial inclusion lalo na sa mga low-income households.

 

 

Sa report na natanggap ni Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ng LandBank of the Philippines na nasa 4.47 million katao ang naisali sa formal banking system sa unang first semester.

 

 

Sa nasabing bilang, 27 percent o 1.23 million ang may access sa online digital payments at iba pang transactions lalong lalo na sa Visayas at Central Luzon.

 

 

Nananatili pa rin na target ng pamahalaan na makapagrehistro sa national ID system ang 70 million populasyon sa bansa.

 

 

Napag-alaman na ang kada individual na makapagrehistro sa step two national ID ay maaari nang makapag-open ng bank account “on the spot” sa LandBank at sa lahat ng available sites.

 

 

Maaaring gamitin din ng mga may-ari ng National ID ay upang mag-withdraw ng cash, mamili online at magsagawa ng iba pang mga cashless na transaksyon, pati na rin makatanggap ng anumang subsidiya sa gobyerno sa pamamagitan ng digital.

Other News
  • LUIS, inamin na nagkasundo na sila JESSY sa ipapangalan sa magiging anak; kasama sa list ng gagawin sa post-pandemic

    PAGKALIPAS nang ilang buwan na naikakasal ang ‘Pambansang Host’ na si Luis Manzano sa aktres na si Jessy Mendiola, marami na ang nag-aabang kung kailan sila magsisimulang bumuo ng sariling pamilya.                    “We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to […]

  • Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan, nagpasalamat sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines

    Nagpasalamat si Pinoy Para swimmer Ernie Gawilan sa naging suporta ng mga Pilipino sa Team Philippines para sa Parlympics 2024 na nakatakdang magtapos bukas, Setyembre-8.     Ayon kay Gawilan, buo ang suportang natatangap ng team mula sa sports fans at mga opisyal ng bansa mula pa man noong naghahanda pa lamang ang mga ito […]

  • Marvel Drops New Featurette To Celebrates The Movies, Teases ‘Eternals’ First Footage

    MARVEL Studios dropped a new featurette to celebrate the movies, featuring the Marvel Cinematic Universe’s most memorable scenes, and teasing the upcoming films in the MCU’s Phase 4.     The video begins with a series of some of the most heartwarming and awe-inspiring scenes from the MCU, accompanied by the voice of the late Stan […]