4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas
- Published on October 30, 2024
- by @peoplesbalita
AABOT sa 4.5 milyong mga pasahero ang dadagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals.
Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.
Kasabay nito, pinapayuhan ni Bautista ang mga bus operators na iwasan na munang ibiyahe ang mga bus patungo sa Bicol region dahil nasa 30 kilometro na ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon.
“Ang LTO just issued a memorandum, informing mga buses, bus operators po sana na huwag munang magbiyahe doon sa Bicol, lalung-lalo na iyong pupunta doon sa Matnog, dahil napakahaba pa nung queue. In fact, kanina, I heard a radio report na almost 30 kilometers daw iyong pila nung mga sasakyan doon.Kaya we are encouraging iyong mga bus operators na siguro i-monitor iyong situation doon before allowing their buses to ply to those destinations,” ani Bautista. ( Daris Jose)
-
DOH, kinumpirma na may local transmission na ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa PH; 3 karagdagang kaso ng BA.2.12.1
KINUMPIRMA ngayong araw ng Department of Health na nadetect na sa bansa ang local transmission ng highly transmissible Omicron subvariant BA.2.12.1. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nangangahulugan na ang mga kaso na nadetect ay wala ng kaugnayan sa mga kaso mula sa labas ng bansa ngunit makikita pa rin ang linkages […]
-
DOH: Bagong COVID-19 cases sa PH, 3,564; total count, 342,816
AABOT sa mahigit 3,000 bagong kaso ng COVID- 19 ang nadagdag sa listahan ng Department of Health (DOH). Ngayong araw, 3,564 ang additional cases, kaya umakyat pa ang total sa 342,816. Ayon sa ahensya, 13 laboratoryo ang bigong mag-sumite ng kanilang report sa COVID-19 Data Repository System. Mula sa mga bagong kaso […]
-
Sa pag kuha ng student driver’s license – huwag negosyo ang ipairal!
KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng April, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay dadaan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency. Sa plano din ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang […]